Aki's Point Of View Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana nitong kotse niya. Pinagmamasdan ko ang mga buildings sa labas na nakabukas ang mga ilaw. Hindi ko kayang lumingon sa kanya dahil kinakabahan ako. Nakasakay na kasi ako rito sa kotse ni Hugo at tinatahak na naming daan papauwi sa aming bahay. Sinabi ko na rin sa kanya ang location at sa tingin ko'y alam naman nito ang daan dahil hindi na siya nagtanong pa. "Why don't you tell me your conditions?" Napaayos ako ng upo. Napatingin ako sa harapan at nakita ko naman sa peripheral vision kong nakatuon ang pansin nito sa pagmamaneho. Mabagal lang naman ang takbo ng kotse nitong itim dahil gabi at traffic. "G-gusto mo na bang malaman?" Kanina habang gumagawa kami ng activity ni Mina ay pinag-isipan ko na rin ang magiging kond

