42. Sayaw ng mga Alitaptap

1081 Words

Matapos nilang maihaw ang mga isda ay sunod naman nilang inihaw ang pork barbeque na dala ni Japeth. Nilantakan agad nila Lloyd at Mike ang inihaw na mga isda. Pinagsasaluhan naman nina Marissa at nobyo nitong si Antonio, na noon lamang nalaman ni Roselda ang pangalan, ang isang plato ng pancit na dala ni Mirasol, kasama ang ilang barbeque at isang inihaw na isda. Habang si Kara at Mirasol naman ay kumakain ng papaya at saging na dala naman ni Lloyd, dahil laking bundok ang binata. Adobong manok naman ang dala ni Marissa. Kay ganda ng langit nang gabing yaon. Kakaunti ang mga ulap na naglalayag na madilim na alapaap. Masisilayan ang napakaraming mga bituing parang mga diyamanteng nagniningning sa madilim na kalangitan. Sa gawing silangan ay unti-unting umaangat ang paarkong hugis ng buwan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD