Natanaw ni Umala ang anyo ng dalawang Puti at isang Sirikan na lumalangoy palayo sa bagong Puno ng Lalawod. Sa kanyang palagay ay mayroon itong iniutos sa mga ito. Natitiyak niyang kahindik-hindik ito kaya't napangiti siya. Ang hindi lang niya matalos ng lubusan ay kung papaano nito nagagawang pasunurin ang mga ito sa kanyang kagustuhan. Batid niyang upang magawa mong pasunurin ang isang nilalang ay dapat alam mo kung ano ang kahinaan ng mga ito, pero sa kaso ng isang Sirikan at Puri, ito ay mahirap gawin. Muli siyang napangiti habang mabagal na lumalangoy. Naligaw sa kanyang isipan ang alaga niyang mameleu na nagkukubli lamang sa malayong hangganan ng Lalawod. Kinakatakutan silang mga halimaw ng karagatan. Subalit nalinlang niya ito kaya't ngayon ay napasailalim ito sa kanyang kapangyari

