"Sandali!" Hinabol ni Roselda ang matandang sirena. "Nasaan ang lambana ko?" Sa kaguluhang nangyari, nakalimutan na rin niya ang tungkol sa kanyang lambana. Nang magising siya ay mas nauna pa niyang naisip si Managat. "Ang buong akala ko ay hindi mo na itatanong sa akin." Nilingon siya ni Rabalya. "Sinabi ko sa kanya na narito ang ilang mga kauri niya." Nagpatuloy sa pag-usad ang sirena patungo sa liwanag sa dulo ng pasilyo. "Ibig mo bang sabihin ay madaming mga lambanang-tubig dito?" Sumunod si Roselda sa kanya. Hindi niya mawari pero nakaramdam siya ng kaunting pananabik sa narinig. Ang isiping madaming mga lambanang-tubig ang naglipana sa paligid ay parang isang panaginip. "Madami," sang-ayon ni Rabalya. "Ngunit hindi kasing dami noong unang panahon. May pagkakataon na sila ay ginaga

