Biglang nagising si Roselda mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nananaginip na naman yata siya. Isang masamang panaginip kung saan muntikan nang mamatay si Managat sa kamay ng mga puting pating at isang siyokoy. Subalit agad niya iyong iwinaglit sa isipan nang mapansin ang kanyang puting buntot. Hindi iyon panaginip. Totoong nangyari ang lahat. Naalala niya ang kanyang kalagayan. Agad siyang dumukot sa kanyang sisidlan ng giginhawa at mapalad na nakapa ang natitirang tangkay na naroon. Kinain niya ito habang iniikot ang kanyang paningin. Una niyang napansin ang malambot na lumot na kanyang kinalalagyan. Nasaan ba siya? Madilim ang paligid pero naiilawan ng malamlam na liwanag ang silid kung saan siya naroon. Nagmumula ang linawag sa mga halamang nakadikit sa kisame ng silid at nagbibigay

