55. Mga Lumba-lumba

1137 Words

Patay ang oras. Ito ang napagtanto ni Roselda habang sinisundan ang kahel na buntot ni Managat. Patay ang oras sa ilalim ng dagat. Isa ito sa mga bagay na hindi sumagi sa kanyang isipan at ngayon lamang niya nauunawaan. Marahil ay ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mundo sa ilalim ng karagatan ay hiwalay sa mundong kanyang kinagisnan kahit na nasa iisang daigdig lamang lamang ito. Ilang oras na kaming lumalangoy? Lihim niyang tanong sa kanyang sarili. "May problema ba, Eda?" Nabulabog ng tanong ni Saminsadi ang pananahimik ng dalaga. "Wala naman, Sadi." Tugon nito sa lambanang-tubig na mahigpit na nakakapit sa kanyang kanang balikat. Sa unahan, matulin ang paglagoy na ginagawa ni Managat habang sinusundan niya ang itim at puting mga isda. "Napansin ko lang kasi na hindi ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD