Hindi mapigilang magtaka ni Roselda sa kanyang mga narinig kanina sa pag-uusap ng kanyang mga magulang. Kahit na hindi na siya nagpumilit na magtanong ay hindi pa rin niya mapigilang mag-isip kung tungkol nga ba saan ang kanilang pinag-usapan. Malakas ang kutob niyang may tinatago sila sa kanya. Gusto man niya itong malaman ngunit kung magtanong man siya ulit ay natitiyak niyang hindi naman siya sasagutin nito ng buong katotohanan. Tumagilid siya ng pagkakahiga. Kanina, habang sila ay naghahapunan, tahimik lamang ang mga ito. Hindi tulad noong mga nakaraang araw na masaya silang nagkukuwentohan sa mga bagay-bagay na para bang mga teenager pa rin. Tanging mga tingin at matipid na ngiti ang naging palitan kanina sa hapagkainan. Tumihaya siya upang magbago ng posisyon. Hindi talaga niya mag

