52. Locket

1660 Words

Biglang nagising si Roselda mula sa mahimbing na pagkakatulog. Naningkit ang kanyang mga mata sa biglaang pagmulat dahil sa nakakasilaw na liwanag ng umaga. Napahikab pa siya at nagpahid sa gilid ng mga mata na para bang ibig niyang alisin ang antok na nananatili pa rin roon. Hindi siya agad bumangon at sa halip ay tumagilid lamang paharap sa bintana. Hindi niya sigurado pero parang nanaginip na naman siya tungkol sa mahiwagang babaeng nagngangalang Bulan. Pilit man niyang alalahanin kung tungkol saan ito ay tila unti-unti naman itong tumatakas sa kanyang kamalayan. Tanging mga piraso lamang ng panaginip ang kanyang natatandaan. Isang isla, mga ulap, at mga salita tungkol sa kapalaran. Naalala niya ang sinabi ni Sadi noon tungkol sa panaginip na ito. Isa daw itong Pangitain. Pero sa ting

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD