50. Misyon

1186 Words

Sa kadilimang bumabalot sa paligid, naanig kaagad ni Managat ang anyo ng kanyang amain sa maliit na salaming hawak niya. "Amang!" Sigaw ni Managat. Natatanaw niya ang maputi nitong katawan na parang isang multo sa dilim. "Buhay ka, buhay kayo!" Sigaw niyang muli. Hindi niya mapigilan ang tuwang kanyang nararamdaman nang nakitang ligtas ang kanyang mga kauring malapit sa kanyang puso. "Sa ngayon." May lakip na lungkot na tugon ni Maalam. "Kamusta ka? Natagpuan mo ba ang Lagalag?" Saglit itong napahinto sa pagsasalita na waring nagtataka sa kanyang nakita. "Nasaan ka?" "Maayos naman ako Amang, tingin ko. Ipagpatawad ninyo ang aking pagsuway ngunit narito ako ngayon sa ibabaw." Napansin niyang nagulat ang Manggagamot sa kanyang narinig. "Dito ako nagtungo upang magkubli nang masaksihan kon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD