Nagpalinga-linga muna ang matandang Manggagamot sa kaliwa at kanan; tinitiyak niyang walang nakakita sa kanya bago tuluyang pumasok sa silid-himlayan. Hindi na siya makapag-aantay pa. Kailangan niyang ipainom kay Maayo ang kanyang tinimpla. Pero kailangan rin niyang mag-ingat sa kanyang gagawin. Mabilis siyang lumapit sa anyo ng sirena. Kung susuriin ay namumutla na ito, dahil na rin sa matagal na itong hindi na nakakakain. Pero para sa pangkaraniwang Lawodnon, maaaring isipin na mayroon nga itong karamdaman. Nang makalapit na siya sa malaking punglo ay muli siyang napatingin sa lagusang kanyang pinasukan. Ilang segundo ring siyang nagmatyag. At nang matiyak na walang ano mang gumagalaw mula roon ay saka lamang niya ibunuka ang kanyang isang palad. Itinago niya ang kanyang lunas sa isan

