Naaabutan ni Roselda na nakaupo sa kahoy na bangko ang kanyang Mamang habang hinihimas ng kanyang Papang ang likod nito. Waring humihikbi ang kanyang Mamang. At dahil pareho silang nakatalikod sa pintuan ay hindi nila napansin ang kanyang pagpasok. "Tumahan ka na kasi." Narinig ng dalaga na alo ng kanyang Papang. "Narinig mo naman ang sabi noong babae hindi ba? Hindi niya tayo pinipilit." "Paano ako tatahan, Miggie? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito? Ito 'yong kinakatakutan kong mangyari. Ang mawalay tayo sa kanya. Gusto mo bang mahiwalay sa kanya?" Humihikbing tugon ng kanyang Mamang. Natahimik ang kanyang Papang. Marahil ay wala itong maisip na isagot. "Mang, Pang, andito na po ako." Mahina niyang sabi. Napansin niyang pasimleng nagpahid ng mga luha ang kanyang Mamang bago i

