TILA may nagkakarerahang kabayo sa kanyang dibdib habang tinatanaw niya si Jules na naglalakad papalapit sa kanya. Hindi man lang niya magawang kumurap. Her eyes sets on Jules face. Hindi niya magawang kumurap man lang tila ba pakiramdam ni Nanilyn may mamiss siyang isang mahalagang pangyayari kapag kumurap siya isang segundo lang. Ganoon din si Jules hindi nito magawang tanggalin ang paningin sa maganda at maamong mukha ng babae. Sa isip ni Nanilyn hindi dapat siya nakaramdam ng ganito dahil hindi pa nararapat dahil kahit magkahiwalay sila ngayon at may babae si Kyko pero sa mata ng Panginoon kasal pa rin siya at hindi dapat ito mangyayari ngayon. Pero talagang mas malakas ang hatak ni Jules sa kanyang puso kahit ano’ng pigil ng kanyang isip tila may sariling desisyon ang kanyang puso. At

