PAGOD sa byahe si Red pero imbes na magpahinga ay nagpalit siya ng kaniyang suot na damit para puntahan ang kaniyang ex-girlfriend na si Shantal sa condo unit nito. Dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng paborito nitong red roses.
Gamit niya ang kaniyang kotse papunta roon. Ni walang ideya ang kaniyang ex na darating siya sa araw na iyon, basta ang tanging alam lang nito ay uuwi siya ng Pilipinas.
Nang mag-doorbell siya ay matagal muna nitong bago binuksan ang pinto.
"Hi! How are you? Puwede ba akong pumas—"
Shantal frowned. "Anong gina...gawa mo rito?" Namula ang magkabilang pisngi nito, at nauutal pa itong magsalita. Bakas sa mukha nito na gulat na gulat ito nang makita siya.
"Is it okay if I come inside?" tanong niya rito.
Natataranta ang kilos nito, "Si-sige, pasok ka sa loob."
Pagpasok niya sa loob ay iniabot niya rito ang tatlong red roses, "Flowers for you." Nginitian niya rin ito nang matamis na ngiti pero parang binalewala lang ito ng dalaga. Ibang-iba si Shantal ngayon kumpara noon. Masasabi niyang malaki ang ipinagbago ng dalaga, at malamig ang pakikitungo nito sa kaniya.
Kinuha naman agad nito ang bulaklak, at ipinatong sa ibabaw ng display rack. Ni hindi man lang ito nagpasalamat, marahil kabadong-kabado ito, o kaya wala na talaga itong amor sa kaniya.
"Do you want something to drink?" tanong nito sa kaniya.
"Nope, maupo ka na lang rito," pakli niya. Naupo naman ito sa isang pang sofa na nasa harapan niya.
Nginitian niya ito, pero parang umiiwas itong tumingin sa mga mata niya. "Are you nervous? Babe, it's me, Red," sabi niya sa malambing na tono.
"Why are you here? Hindi ba napag-usapan na natin ang tungkol sa relasyon natin?" bulalas nito sa kaniya.
"Isa pa, don't call me 'babe', dahil tapos na tayo, Red," dagdag pa nito.
"I'm here, para humingi pa ng isang pagkakataon. Shan, mahal na mahal kita. I can't live without you. Alam mo namang ginagawa ko lang ang lahat ng iyon para sa future natin, pero bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako maintindihan?"
"That's enough, Red. Idadahilan mo na naman ang bagay na 'yan. We're done, okay? Ano pa bang gusto mong mangyari? Sawang-sawa na ako sa mga sinasabi mo," asik nito.
Lumuhod siya sa harapan nito, at hinawakan niya ang kamay ng dalaga, "Shan, I'm so sorry. Please give me another chance." Pagmamakaawa niya rito pero pilit na hinahawi nito ang kaniyang mga kamay.
"Tama na, Red. I'm done with you and tapos na ang relasyon natin, kaya kung maaari, umalis ka na! Please, get out!" galit na sabi nito, at napatayo pa ito.
"Shan, please..." Muling pakiusap niya rito. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya't pinipilit niyang yakapin ito, ngunit tinutulak naman siya nito palayo.
"Umalis ka na, Red! Nakikiusap ako, huwag mo nang guluhin pa ang buhay ko," wika nito habang pilit pa rin siyang tinutulak nito.
"Shan, mahal na mahal kita. Nangako tayo sa isa't isa, hindi ba? Na kahit ano ang mangyari, hindi tayo maghihiwalay."
"Wala akong pakialam, Red. Hindi ko na kaya ang ganitong relasyon kaya tumigil ka na."
Hindi niya napigilang hindi tumulo ang luha niya. Pakiramdam niya, ang sama ng dagok ng langit sa kaniya pagdating sa pag-ibig.
"Sige, pero may isa akong tanong sa iyo. Shan, mahal mo pa ba ako?"
Matagal bago ito makasagot sa kaniyang tanong.
"Hi-hindi na, Red," pakli nito.
Napahagulhol siya sa pag-iyak. Halos hindi na niya makita si Shantal dahil sa sunod-sunod na luhang lumalabas sa kaniyang mga mata.
"Sige, Shan, hindi na kita pipilitin pa. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, kahit hindi mo na ako mahal. Kung isang araw, mapagtanto mong hindi mo kayang wala ako sa tabi mo, handa akong tanggapin kang muli," wika niya, habang iyak siya nang iyak.
"Red, I'm sorry. Hindi mangyayari pa ang sinasabi mong 'yan, dahil ayoko nang makita ka pang muli, ayaw na kitang makasama pa," tugon nito sa sinabi niya.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga oras na iyon, parang gusto niyang lamunin na lamang siya ng sahig na kinatatayuan niya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya. Naisip niya tuloy na parang pinaglaruan siya ng tadhana.
Noon pa man ay talagang kasama na si Shantal sa lahat ng pangarap niya. Lahat ginagawa niya para mapasaya niya ito pero hindi niya akalain na mawawala lang ito sa kaniyang tabi na parang isang bula, nang dahil lamang sa lintik na mga appointment niya.
"Shan, pwede ba kitang mayakap bago ako umalis?" tanong niya rito.
Tumango naman ito sa kaniya.
Bigla niya itong niyakap nang mahigpit habang humahagulhol siya sa pag-iyak, "Shan, I love you more than anything else. Lagi mong aalagaan ang sarili mo, ha? Kung magmamahal ka man ng iba, sana mahalin mo 'yong taong hindi ka sasaktan lagi. Sana maging masaya ka ngayong wala na ako sa tabi mo." Kumalas siya mula sa pagkakayakap rito at marahang inilapat niya ang kaniyang palad sa pisngi nito.
Gusto niyang titigan muna ito para hindi niya makalimutan ang mukha nito. Pagkatapos noon ay hinalikan niya ito sa noo. "Shan, paalam. I love you, and always will."
Tumalikod na siya palabas ng condo unit nito. Bawat hakbang niya'y pakiramdam niya ay nanghihina siya. Kung pwede lang na ibalik ang nakaraan para baguhin ay tiyak na ginawa niya na, pero ano pang magagawa niya, nangyari na ang lahat.
Pagsakay niya ng kaniyang kotse ay pinaharurot niya kaagad iyon. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan, wala siyang pakialam kung maaksidente man siya, basta ang tanging nasa puso't isip niya ay galit sa kaniyang sarili. Parang gusto niyang mawala na lang bigla at makalimutan ang lahat ng nangyari.
Dumiretso siya sa bar para uminom nang uminom.
Naniniwala siya na iyon lamang ang tanging paraan para makalimutan niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon.
"How are you, Red? Hindi ba kauuwi mo lang dito sa Pilipinas? Bakit parang sawi ka?" pakli ng may-ari ng bar.
Kahit noon pa man ay talagang madalas na siyang magpalipas oras sa bar na iyon, kung saan doon niya rin nakilala si Shantal.
"I'm good. Gusto ko lang talaga uminom ngayon,"
tugon niya rito.
"Balita ko, break na raw kayo ni Shan. Ano ba kasing nangyari?"
Napahinga siya nang malalim. Gusto niya na ngang makalimot sa pamamagitan ng pagtungga ng alak pero may isang tao namang kaharap niya na panay ang tanong tungkol sa kanila ng ex niya. "Good for her," maikling tugon niya rito.
"Don't worry, Red, dahil maraming babae sa mundo. Makakahanap ka rin ng babaeng para sa iyo," dagdag pa nito.