Four

1306 Words
"MEGAN, kailan ka ba mag-aasawa? Malapit ng lumampas sa kalendaryo ang edad mo kaya dapat talagang mag-asawa ka na," sabi ng kaniyang nanay sa kaniya habang naghuhugas ito ng pinggan. Siya naman ay nakaupo habang naglilista ng mga bayarin. Napabuntong-hininga siya't napalukot ng noo. "Nay naman, alam n'yo namang ilang beses na nga akong niloko ng mga walang hiyang naging ex ko, tapos tatanungin n'yo na naman ako kung kailan ako mag-aasawa," sambit niya rito. Halos araw-araw na lang siyang kinukulit ng kaniyang ina kung kailan siya mag-aasawa, kaya minsan ay talagang naririndi na siya sa mga sinasabi nito. "Gusto ko lang namang magkaroon na nang apo, matanda na kami ng tatay mo kaya bago man lang namin lisanin ang mundo, sana naman makita na namin ang magiging apo namin mula sa 'yo," muling hirit nito sa kaniya. "Nay, 'wag naman po kayong overacting sa edad n'yo. Forty-nine pa lang po kayo at si Tatay naman fifty pa lang," pabirong tinaasan niya ito ng kaniyang kilay. Lumapit ito sa kaniya at marahang inakbayan siya. "Sige na naman, 'nak. Na-mi-miss ko kasing magkaroon ng baby," pangungulit pa nito. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto na ng kaniyang nanay at tatay magkaapo. "Nay, gawa na lang po kayo ulit ni Tatay ng baby," pabirong pakli niya rito at nginitian niya ito ng nakakaloko. Marahang kinurot siya nito sa tagiliran. "Ikaw talaga," umismid ito at sinamaan siya ng tingin. "Si Nanay naman, nagbibiro lang po ako. Ayoko lang po kasing padalos-dalos kasi baka lokohin at iwan na naman ako. Alam n'yo naman po ang pinagdaanan ko. Alam mo po Nay, naniniwala po talaga ako na kapag maswerte raw sa trabaho, malas daw po pagdating sa pag-ibig," pahayag niya. Umupo sa tabi niya ang kaniyang ina at hinawakan ang kanang kamay niya. "Alam mo 'nak, wala 'yan sa swerte mo sa trabaho o ano pa man. Sadyang, hindi pa lang talaga sila ang lalaking para sa 'yo. Walang malas sa pag-ibig o sa kanit ano pa mang bagay, kundi nagkataon lang talaga na hindi iyon ang tamang tao o kaya bagay para sa 'yo," paliwanag ng kaniyang nanay . Napangiwi siya. "Tapos sinasabi ninyo pa ni Tatay na mag-asawa na ako. Eh, paano po kapag binuntisan lang ako? Syempre, ayoko namang lumaki ng walang ama ang magiging anak ko. Hindi rin naman po habambuhay nariyan kayo ni Tatay," sambit niya. Ngumiti ang kaniyang ina. "'Nak, pasensya ka na ha? Sabik lang talaga kami ng tatay mo na magkaroon ng apo at saka, tumatanda ka na kaya kailangan mo na talagang mag-asawa." Lagi na lang gan'to ang sinasabi ng kaniyang ina at minsan naman ay ang tatay niya ang palaging nangungulit sa kaniya, halos paulit-ulit na lang. "Hmm. Nay, bata pa po ako. Hayaan ninyo, baka mahanap na ako ng taong para talaga sa 'kin, at may tamang panahon naman po para sa pag-aasawa't pagkakaroon ng anak," pakli niya rito. "Sige, basta maghihintay kami ng tatay mo," muling sambit nito, na talaga namang halatang-halata na desperadang magkaroon na talaga ito ng apo. Tanging tango na lamang ang kaniyang naisagot at nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. Tumalikod na rin ang kaniyang ina upang magluto ng merienda nila. Ang tatay niya ay nasa pagpasada pa, minsan ay gabi na kung umuwi. Ang kapatid niyang si Kyle ay nasa school fourth year college at ang kapatid niya namang bunso ay nasa school din, second year college. Parehong may pasok ang dalawa tuwing weekend. Ngayong araw ay day off niya, araw pa lamang ng Sabado. Kino-compute niya na ang mga gastusin para pagsahod niya ay alam niya na kung saan nakalaan iyon. Minsan na rin siyang nakaramdam ng pagod pero iniinda niya lang para sa pamilya niya. Malapit na rin namang g-rum-raduate ang isa niyang kapatid kaya malapit na ring mabawasan ang kaniyang iniisip. Ni hindi siya uma-absent sa kaniyang trabaho kahit minsan ay masakit ang kaniyang ulo, dahil nanghihinayang siya sa kikitain niya. Sa totoo lang, kaya wala pa sa isip niya ang pag-aasawa dahil iniisip niya ang kaniyang mga magulang at kapatid. At isa pa, natatakot siya kasi hindi niya alam kung anong klase ng lalaki ang kaniyang mapapangasawa, baka mamaya ay isang lalaking lasinggero at walang pakialam sa pamilya. Mayroong nanliligaw sa kaniya, ang lalaking patay na patay sa kaniya, si Antonio Ruiz. Gwapo, matipuno ang katawan at may hitsura pero ayaw niya rito dahil bukod sa mayabang na nga ay marami ang nagsasabing napakababaero nito. "Uy, ganda! Tss. Alam mo sa t'wing nakikita kita talagang nabubuo ang araw ko," bungad sa kaniya ni Antonio habang naglalakad siya patungong tindahan upang bumili ng napkin. Ang malas niya dahil naubusan siya ng stock. Napakunot siya ng noo. "Naku, Antonio, tigil-tigilan mo nga ako riyan! Kahit ano pa ang gawin mo, hindi ako mapapasa 'yo," mataray na sagot niya rito at inirapan niya pa ito. "Ikaw talaga. Alam mo, gagawin ko ang lahat para sa 'yo. Kung maaaring sungkitin ko ang mga bituin ay gagawin ko para lamang sa 'yo," sambit nito na may pa-gesture pang nalalaman. Tumigil sa paglalakad si Megan. "Pwede ba, tantanan mo nga ako! Ayoko nga sa 'yo, Antonio. Mahirap ba 'yon intindihin? Alam mo, maghanap ka na lang ibang babae na madadala mo sa mga paandar mo," sita niya rito. "Megan naman, gustong-gusto nga kita, kaya hanggang wala ka pang boyfriend ay hindi ako titigil na manligaw at mangulit sa 'yo," pahayag nito. Napahinga na lamang ng malalim ang dalaga at nagpatuloy nang maglakad papuntang tindahan. Nakasunod pa rin ito sa kaniya hanggang makarating sila sa tindahan. "Pabili nga po, Aling Gemma," sambit niya. "Ano 'yon, Megan?" tanong nito sa kaniya. "Aba, kasama mo pala 'yang si Antonio. Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa, ano?" dagdag pa nito nang mapansin si Antonio. "Isang pack ng napkin po. Naku, Aling Gemma, wala po akong interes dito kay Antonio. Kinukulit niya lang po ako," tanggi niya. "O, heto," ibinigay sa kaniya ang isang pack ng napkin at iniabot niya rin ang bayad. "Sabagay, napakababaero mo Antonio, kaya talagang hindi sa 'yo magkakagusto ang magandang katulad ni Megan," aniya't tumingin sa gawi ni Antonio. "Aling Gemma, nagbago na po ako," sambit ni Antonio. "Nagbago pala, pero may isang babaeng pabalik-balik sa bahay n'yo dahil nabuntis mo raw," sambit pa ni Aling Gemma, sabay abot ng sukli kay Megan. "Hindi naman po ako ang nakabuntis sa babaeng 'yon," aniya. "Sige po, Aling Gemma. Aalis na po ako," paalam niya't tumalikod na siya. Mabuti na lang at hindi na sumunod sa kaniya si Antonio. Ayaw niya talaga sa lalaking 'yon at kahit magpakamatay pa ito ay hinding-hindi niya talaga magugustuhan. Gusto niya ay ang lalaking matino, mapagmahal kahit hindi gwapo. "O, Megan? Lumabas ka lang tapos nakasimangot ka na," bungad ng kaniyang ina pagkarating niya sa bahay nila. Huminga siya ng malalim. "Nakaka-badtrip po kasi si Antonio, panay sunod-sunod sa 'kin. Sinabi ko naman sa kaniya na kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan pero sobrang kulit pa rin po talaga." "Hmm. Hayaan mo na 'yon 'nak, baka gustong-gusto ka lang talaga niya. Ang importante, wala lang siyang gawing masama sa 'yo," sambit ng kaniyang Nanay. "Opo, Nay. Iiwasan ko na lang po siya. Minsan nga po, eh talagang gusto ko nang tadyakan sa sobrang kulit," panggigigil niya. "Noong kabataan ko, hindi sa pagmamayabang, talagang marami ring nanliligaw sa 'kin na sobrang makukulit pero tingnan mo, sa iyong Tatay ako nahulog nang sobra. Sino nga ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa mga biro ng tatay mo at sa napakaguwapo niyang mukha," kuwento nito. "Atleast, hindi naman po kayo nagsisi dahil sobrang bait po ni Tatay, 'di po ba?" "Sinabi mo pa, kahit naghihirap tayo, hinding-hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino." Nginitian niya nang matamis na ngiti ito. Naisip niya na sana balang araw ay makahanap din siya nang lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD