"Megaaaan!"
"Oh , bakit? Para ka namang may emergency lagi! Kay aga-aga, e, ginugulat mo ako," kunot-noong bulalas niya kay Pearl. Hingal na hingal ito sa katatakbo para lang maabutan siya bago pumasok sa company.
"A-alam mo ba..."
"Aba'y hindi ko pa alam, sige, ituloy mo. Ano ba 'yon? Mukhang may itsitsismis ka na naman, 'no?"
"Ano kasi..."
"Binibitin mo ako! Emergency ba 'yan? Bakit ba kasi parang ang layo ng tinakbo mo?"
"Oo, malayo talaga. Naglakad kaya ako ngayong umaga. Nag-away kami ng fiancé ko kaya ako magpahatid sa kaniya," wika nito.
"So, 'yan ang ibabalita mo—iyong nag-away kayo?"
"Hindi 'yon," pakli nito.
"So, ano?!" taas-kilay na tanong niya rito. Umagang-umaga ay tumataas ang dugo niya dahil kay Pearl. Ayaw niya pa namang binibitin siya.
"Iyong may-ari ng company ay pupunta sa office mamaya, maglilibot siya."
"O, tapos?" wika niya na parang wala siyang pakialam.
"Napaka-strikto raw ng CEO na 'yon kaya gusto ko lang sabihin na 'wag kang aantok-antok kapag nasa office tayo," paalala nito.
"Hindi naman ako natutulog, e. Saka siguradong hindi naman 'yon tatambay sa office, tiyak na magpapakilala lang iyon saka uuwi na. Tara na nga, baka mahuli pa tayo sa work. Mas natatakot nga ako kay Ma'am Kira kasi laging kasama natin sa office."
Naglakad na sila patungong office.
"Sabagay pero balita ko ang pogi raw ng CEO natin," kinikilig na pakli nito.
"Tigilan mo nga ako sa kalandian mo, asikasuhin mo ang fiancé mo. Ikakasal na nga kayo tapos ngayon magkaaway kayo," wika niya.
Huminga ito nang malalim, "Nakakainis kasi siya, ayaw na niya akong papasukin sa trabaho ngayon."
"Kasi nga ikakasal na kayo, siyempre, naglalambing lang 'yon. Tawagan mo kaya, para naman magkaayos na kayo. Sabihin mo, magre-resign ka na rin naman kaya maghintay muna siya. May pupuntahan ba kayo ngayon?"
"Oo, inaasikaso kasi namin iyong para sa kasal namin."
"Loko ka talaga! Ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na! Sino ba naman ang hindi magagalit dahil sa ginagawa mong 'yan? Ako na ang bahala kay Ma'am Kira, magpaalam ka na roon sa HR. Sige na, go!"
"Sige. 'Wag kang matutulog sa office ma—"
"Naku, hindi nga! Sige na, ingat ka," muling wika niya.
Nakangiti siya habang tinatanaw niya ito naglalakad paalis na parang hinahabol ng sampung aso.
Naisipan niyang mag-elevator na lang para mas madali siyang makarating sa office. Nang makita niya malapit nang sumara ang elevator ay tumakbo siya. "Sagliiiit!" sigaw niya.
Napaawang siya nang may guwapong lalaki sa loob ng elevator na hinarang ng kamay ang pagsara nito. Matangkad ito, singkit ang mga mata, maputi at blonde ang buhok. Hindi niya alam kung sino ito dahil bago ito sa paningin niya. Pero wala siyang pakialam kahit napakaguwapo man nitong nilalang. Naniniwala siyang manloloko ang lahat ng guwapo. Napaawang man ang mga labi niya pero hindi siya kikiligin.
"Ikaw ba 'yong baguhan sa IT Department?" tanong niya pero hindi umiimik ang lalaki.
"Tss. Hoy, tinatanong kita, ikaw ba 'yong bagong IT?" she repeated. Talaga kumukulo ang dugo niya sa mga guwapong katulad ng lalaking ito.
"Yes, why?"
"Ah, English-ero. Wala lang, tinatanong ko lang naman. Sana tumagal ka sa kompanyang ito."
"Why? What's the issue?"
"Wala. Napaka-istrikto kasi ng supervisor dito, lalo na iyong supervisor namin sa accounting department. At isa pa, umuwi raw rito sa Pilipinas ang CEO ng kompanyang ito, at isa ring istrikto kaya mag-iingat ka. Kapag inaantok ka during working hours, 'wag kang matutulog," paalala niya rito.
"Gano'n ba? Balita ko, napakaguwapo raw ng CEO at narito na siya ngayon sa company, naglilibot."
"Bakla ka ba?" tanong niya saka ngumiti siya ng nakakaloko.
"Ako, bakla? Hell no!"
"Sa dinami-rami puwede mong sabihin, iyong kaguwapuhan pa ng CEO na iyon ang sinabi mo. Alam mo, kumukulo talaga ang dugo ko sa mga guwapo kasi mga manloloko ang mga 'yan!"
Napalunok ang lalaking katabi niya at bahagyang napatingin sa kaniya, "Really?"
"Ah, hindi ko naman sinabing kasama ka," sambit niya.
"Why? Am I handsome too?"
"H-hindi ko rin sinabi na guwapo ka," utal na wika niya.
Muli siyang tiningnan nito kaya nang magtama ang paningin nila ay umiwas siya. "P-pero slight lang," she added.
"Slight lang?"
"Slight lang na guwapo ka," sagot niya.
Biglang nagbukas ang elevator kaya lumabas na siya pero napakunot siya ng kaniyang noo dahil lumabas din ang lalaki sa elevator.
"Excuse me, sa baba iyong IT Department, hindi rito," pakli niya.
"Good morning, Sir!" bulalas ng isang babaeng pamilyar ang boses. Napalingon siya rito at nakita niya ang terror na mukha ng supervisor na si Kira.
She was speechless. Hindi niya naisip na it was him, the CEO, iyong kausap niya kanina. Kaya pala, napaka-elegant nitong tingnan at ibang-iba ang pananalita at kilos na it's impossible na maging isang empleyado for IT Department.
"S-sir?" utal na sambit niya.
"Yes, he's the CEO of this company," pakli ni Kira habang nginitian lang siya ng lalaki.
Parang gusto niya na lang na lamunin siya ng kung anong bagay na nasa paligid niya. Naisip niya pa naman iyong mga sinabi niya rito. Pero kailangan niyang mag-act that it was all nothing. "Ah, good morning, Sir!" pakli niya saka mabilis siyang naglakad papasok ng opisina.
Bigla siyang pinagpawisan ng malalamig na pawis at huminga siya nang malalim.
"Megan, what happened? Are you all right?" tanong isang katrabaho niya.
"Yes, I'm totally fine. Napagod lang kasi ako sa paglalakad paakyat," aniya.
"Seriously? May elevator naman, 'di ba?"
"Mas gusto ko kasing maglakad tutal maghapon naman tayong nakaupo rito, e."
"Sabagay pero naligo ka naman ng pawis."
"Okay lang naman."
Pakiramdam niya ay mas malamig pa siya sa aircon. She's so rude to him kaya natatakot siya na baka tanggalin siya nito sa trabaho though she acted like nothing happened.
"Uy, iyong CEO ba natin 'yan? She's with Ma'am Kira! Papasok sila rito," pakli ng isang empleyado na si Shiela habang nakatingin sa transparent glass door.
Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib niya sa narinig niya.
"Ang guwapo niya, girls!"
"Oo, nga!"
Kung ang mga kasama niya ay kinikilig, siya naman ay parang kasing lamig na ng bangkay ang buong katawan niya dahil sa kaba.
"Good morning! This is Mr. Red Wyatt, the CEO of this company," wika ni Kira.