MASAYA kaming nagkukwentuhan ni Athena sa kusina habang kumakain ng meryenda. Kaka-uwi lang namin noon galing sa school kung saan ko siya in-enrol ng nursery. Two weeks na lang at magsisimula na ang klase nila. "Mommy, kapag nag-school na ako p'wede pa rin akong sumama sa events mo or magpunta sa shop?" "Basta weekends at ako ang kasama mo, okay lang. Walang problema." Natigil kami sa pagkukwentuhan ni Athena nang biglang tumunog ang door bell. Sinilip ni Ate Grace ang bintana para tignan kung sino ang dumating. "May delivery yata. May in-order ka ba online, Maxene?" "Wala po." Lumabas na siya ng bahay. Ilang sandali pa ay bumalik din siya sa kusina. Nanlaki ang aking mga mata ko nang makita ang hawak ni Ate Grace, isa iyong puting funeral flower wreath. Biglang binundol ng matin

