Maaga nagising Si Myrrh at bumangon. Kailangan nya makabalik ng headquarters. Nilingon nya Si Yled at kinintalan ng halik sa labi "Sorry love. Matapos lang ang misyon na to, hinding hindi na ko aalis sa tabi mo" Mabilis sya nagbihis at uuwi muna sya ng condo nya para kumuha ng gamit. Nagising si Yled na wala na ang asawa sa tabi nya... "s**t! Not again, Sweetheart!" at ginulo nito ang sariling buhok. Damn! PAGPASOK ni Myrrh sa Headquarters ay nagtataka sya sa mga nagkakagulong mga agents. Parang mga sinisilihan ang mga pwet lalo na ng mga babaeng agents. Nilapitan nya si Darlene at nakakunot noong nagtanong" Dars, ano meron? Bakit para kayong napopossess? Para kayong bulate na nilagyan ng asin makapangisay kayo dyan?" Inirapan sya ni Darlene " Baks, andyan ang TEBBS kausap si Chief

