Naikot na ni Myrrh ang buong VIP area at dun nya nakita sa dulong pasilyo na may tagusan na kwarto. Dun nakatago ang mga babae. Hindi nila pwede pang galawin ang mga ito dahil makakahalata ang Jang Brothers. "Konting tiis pa. Babalikan namin kayo" wika ko sa mga ito na lalong nagiyakan. Napakabigat sa pakiramdam pero hindi dapat magpaapekto. Pinindot nya ang earpice "Team, status" wika nya "Commander, clear na ang area. Pwede na tayo magexit. Nadala na sa dungeon si Fiji at mga guards nito." Si Cervantes "Okay good. Let's go" Agad syang naglakad papunta sa backdoor exit dahil dun naghihintay ang get away car nila Nang biglang may sumunggab sa kanya at tinakpan ang bibig nya. Sapilitan syang sinakay sa loob ng kotse. Madilim sa lugar kaya hindi nya nakita ang mukha nito at patali

