HEADQUARTERS "Start the presentation, Miralles" utos ni Myrrh kay Darlene Andun ang buong team na may hawak ng kaso. "Base sa report ng informant, Si Mr. Akihiro Fiji ang isa sa malalaking parokyano ng droga ng mga Jang at malimit kumuha ng babae sa casa. Siya ang target natin para makakuha ng impormasyon kailan at saan ang palitan ng malaking transaksyon ng epektos. Maguundercover kaming lima nina Villa, De Vera, Cinco at Perigrina at papasok sa casa. Ang grupo ni De Leon at grupo na galing sa PDEA ang aalalay sa misyon" "Sino ang kukuha ng atensyon ni Mr. Fiji?" tanong ni Benjo Cervantes "Ayon sa impormasyon mahilig sa bata itong si Fiji at certified babaero. Trip din nito languin ng droga ang mga babaeng kinakama nito. Saming lima mas papasa sa panlasa nito si Commander pero depen

