Dumilat Si Myrrh at luminga sa paligid... Nakita nya na may swero na nakakabit sa kanya tanda na nasa ospital sya. Nakita nya Si Yled na nasa sofa at natutulog Tinunghayan nya ito at sinaulo ang bawat sulok ng mukha nito. Ngumiti sya ng mapait. Nahahati ang puso nya sa pagitan ng misyon at pananatili sa tabi nito. Pero hindi pwedeng hindi nya tapusin ang misyon, kundi ay laging manganganib ang buhay nito at hindi sya papayag. Tumayo sya at lumabas ng kwarto at tinungo ang nurse station... pinatanggal nya ang swero nya at inasikaso ang bill. Dagli syang bumalik sa kwarto at sinulyapan si Yled na mahimbing na natutulog dala marahil ng pagod at puyat. "I'm sorry mahal ko, iiwan muna kita saglit para mapanatili ko ang kaligtasan mo" pinipigil nya ang luha na kumawala. Sinupil din ang sari

