“Why are you here, Danz?” bungad na wika ni Yled sa pinsan. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito. Napangisi naman si Danzel sa tinuran nito at itinaas ang dalawang kamay habang natatawa. “Easy Bro, bakit ba mainit ang init ng ulo mo?” Prente itong umupo sa sofa na nasa gilid ng opisina. Mula sa kinauupuan nito ay tanaw ang table ni Myrrh na abala sa kausap sa telepono. “Nagtanong ka pa, nakita mo ng sobrang puno ang schedule ko sa dami ng trabaho. Tapos nang-iistorbo ko pa,” sambit nito sabay pabagsak na hinagis ang hawak na folder sa desk nito bago hinubad ang coat at sinampay sa likod ng upuan. “Whoa! Trabaho ba talaga ikinaiinit ng ulo mo o yung eksena kanina na naabutan mo kasama ang maganda mong EA?” nanunudyo ang tono nito. Sabay baling ng tingin sa labas ng silid at mu

