Nagbalik sa kalmadong takbo ang kanilang mga trabaho ng matapos at matagumpay na maidaos ang Stakeholders Conference sa Benavidez Corp. na dinaluhan ng mga stockholders at partners nila. Kasalukuyan siyang humuhigop ng kaniyang kape ng marinig ang pagtunog ng elevator. Mga yabang ng takong ng stiletto na papalapit ang pumukaw ng atensyon niya kung kaya’t nag-angat siya ng tingin para batiin ang panauhin. "Good morning, how may I help you?" nakangiti nyang bati. Maganda ito at matangkad mukhang modelo. Pero napawi ang ngiti niya nang nakaismid itong nagsalita. "Nariyan ba ang boss mo?" tanong nito na nakataas ang kilay. Nakasuot ito ng hapit na hapit na makintab na pulang dress na isang ihip nalang ng hangin ay makikita na ang langit. Halos nagwawala rin ang dibdib nito na parang hindi

