Halos hindi magkandaugaga si Yled sa pag-asikaso sa kanya. Lagi itong nakaalalay sa kanya at halos ayaw syang pakilusin "Ano ba Love! Maglalakad lakad lang naman ako dito sa loob ng condo. Kulang nalang isakay mo ko sa wheelchair at wag palakarin." maktol ko Natatawa ito "Eh love kasi baka mapagod ka" "Buntis ako hindi imbalido, okay?!" Umirap sya dito at biglang tinakpan ang ilong paglabas ng kwarto "Ano yun? Ang baho!" sigaw ko "Ha? Anong mabaho?" takang tanong nito Nagtatakbo sya sa lababo at sumuka ng sumuka. Agad naman sya dinaluhan ni Yled at hinimas ang likod nya Nang makahuma ay nagtakip nanaman ito ng ilong at lumapit sa lamesa at binuksan ang mga nakatakip Sumama lalo ang mukha nito ng makita ang sinangag "Ang baho nito!" sabay turo sa sinangag na may bawang Dagli syang

