WEDDING DAY Minadali nila ang pagprepara sa kasal bago pa lumaki ang tyan nito. Napakaganda ni Myrrh sa kanyang wedding gown. She is indeed glowing and stunning. "Salamat naman at hindi na surprise at shotgun ang wedding ko!" usal nya sa sarili habang naglalakad papunta sa altar kung saan naghihintay ang napakasimpatiko nyang asawa sa suot nitong tuxedo Shit! Bat ba ko naiiyak? Hindi pwede masisira ang make-up ko! Nang iabot ng Dad nya ang kanyang kamay kay Yled ay narinig pa nya ang bilin ng ama nya dito "please take care of my bunso, iho" wika nito na nagingilid ang luha. Agad naman itong niyakap ni Yled at tinapik sa balikat "I will, Dad. Asahan nyo po" wika nito na naiiyak na din Naging masaya din ang reception at punong-puno ng katatawanan ang mga games "Hoy Wallad! Mapag

