"At sino naman ang nagreport niyan?" Dumadagundong na tila kidlat ang boses ni Yled hanggang sa labas ng conference room.
"Iho, calm down. We just need the report iyon ang magpapatunay na mali ang nakarating sa amin. That email will be checked by our IT para ma-traced sino ang nagsend nito and its location," wika ng isa pang ka-meeting nila.
Kumatok si Myrrh at pumasok sa conference room. Yumuko at bumati ng mahina. Dumiretso siya at isa-isang binigyan ng kopya ng report ang board.
"Oh, is she your new EA, Yled? Pakilala mo naman kami!" Matiim na nakatingin si Yule Geronimo sa kanya. The certified babaero. Kahit poste na lagyan ng palda ay papatusin nito.
Napatiim-bagang si Yled. "By the way, this is my new Executive Assistant, Ms. Myrrh De Gracia."
"What a lovely name, that is! Bagay sa iyo, Ms. De Gracia." Tumayo ito at kinamayan siya at nginitian ng napakatamis. "Nice to meet you!" Pinisil nito ang kamay niya bago bitawan.
May papisil pisil ka pa ng kamay sarap mo tadyakan! Muka kang bampira na matagal ng nahimlay. Espasol! Nangangati ang kamay ni Krynn na ibalibag ang kaharap. Pasalamat nalang itong tukmol na ito at nagtitimpi siya.
Pinilit niyang ngumiti. "Nice to meet you too, Sir."
Lumapit si Yled sa kanya at bumulong na nagtatangis ang ngipin. "You may get the hell out of here, now. We'll talk later in the office."
"But Sir, hindi ko ba kailangan gumawa ng minutes of the meeting?" inosente nitong tanong.
Tinitigan siya ng masama nito "I said leave." pabulong pero humahagod ang ngitngit na turan nito.
Okay! Edi leave! Pumihit na siya at bahagyang yumukod at nag-excuse sabay lumakad na palabas ng pinto.
"See you around, Ms. De Gracia!" wika ng bampirang mukang walang sustansiya.
Lumingon siya at tumango. Nahagip ng tingin nya si Yled na parang gusto na siyang patayin sa sama ng titig nito sa kanya.
Pagbalik niya sa cubicle ay naghihintay na ng latest chika sina Eve at Kristine.
"Kamusta? Mukhang napasabak ka sa unang araw mo ah!" wika ni eve habang nag-aayos ng mga piniprint.
"Anong feeling na nakita mong nag-amok ang dragon sa unang araw mo?" wika ni Kristine.
Ngumiti siya. "Oo nga. Mabuti nalang nakailag ako no'ng bumuga ng apoy. Tingin palang papatayin ka na eh. Baka maaga ring maubos ngipin no'n feeling ko kasi laging nangangalit ang mga bagang!"
Nagtawanan silang tatlo
"Ms. De Gracia!" Sabay-sabay silang tatlo napalingon at halos mapatalon ang dalawang kausap niya ng makita kung sino ang tumawag sa kanya.
"Yes, Sir" sagot niya na hindi kakabakasan ng takot o pagkataranta.
Bakit ba? Eh mas malala pa nga ang mga kinakaharap ko riyan sa bawat misyon. Mga mamamatay tao talaga. Eh itong dragon na ito pumapatay lang ng tingin.
"To my office," maikling sambit nito at naglakad na papasok ng opisina.
"Aja, pretty Myrrh!" wika ni Kristine at sabay pa sila ni Eve na tila sumuntok sa hangin.
Nginitian niya ang mga ito at tinaas ang dalawang braso na animo pinapakita ang muscles at naghagikgikan ang dalawa ng mahina.
"Have a seat," turan nito ng hindi sya tinitignan.
Hindi maintindihan ni Yled ang inis na naramdaman noong nakita niyang kakaiba ang tingin ni Yule sa kanyang bagong EA. Yes, i-hire na niya ito. Sakto ang kalmado at confident na personality nito. Hindi basta basta nanginginig sa takot kahit na halos lamunin na ng buhay sa pagbulyaw niya.
"You're hired, Ms. De Gracia," wika ni Yled.
"Thank you, Sir" Nilahad ni Myrrh ang kamay para kamayan ito.
Napatingin si Yled sa kamay na nakalahad ni Myrrh at hindi niya maipaliwanag bakit parang natatakot siya sa mararamdaman niya kapag nagdaop na ang kanilang palad. Ngunit tinanggap niya rin ito kalaunan.
Parang may kung anong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya sa pagdaop ng palad nila. Tiningnan niya ito sa mata pero hindi niya mabasa ang emosyon nito at tila blangko ang ekspresyon. May nakakapa siyang misteryo sa likod ng pagkatao ng babaeng ito. Ang kamay nito ay hindi kasinglambot ng kamay ng ibang mga babae pero naisip niya na dahil marahil batak ito sa trabaho.
"Today will be your first day. Now have your lunch first then I'll be orienting you about your duties and responsibilities". wika ng lalaki rito.
Sa isip ni Yled ay alam niyang hindi niya trabaho ang mag-orient, ngunit merong puwersa na nagsasabi sa kaniya na dapat ay siya ang mag-orient dito ng mga dapat gawin.
What the hell, Yled! Sigaw ng isip niya..
"Alright, Sir." Tumayo na si Myrrh at lumabas ng pinto. Ngunit hindi pa naipipinid ang pinto ng kaniyang opisina ng marinig nanaman niya ang nakakairitang boses ni Yule. Mabilis siyang lumabas ng pinto.
"Hi Myrrh! I hope okay lang na tawagin kita on your first name?" sambit nito habang parang nagbe-beautiful eyes ito sa harap niya.
"No problem, Sir," maiksing sagot niya at binigyan ito ng tipid na ngiti.
"Breaktime naman na. Baka puwede kita ma-invite for lunch?" tanong nito habang tumitingin ito sa relo sa bisig.
"Ah -" Hindi natapos ni Myrrh ang kanyang sasabihin ng may boses sa likuran niya ang nagsalita.
"Unfortunately, she can't come with you, Yule. Marami pa siyang kailangan gawin na trabaho na iniwan ng dating EA ko," wika nito habang nakatayo sa labas ng pintuan ng kanyang opisina at nakalagay sa bulsa ang mga kamay.
"Come on, Yled! I heard it's her first day today. Huwag mo naman sana masyado pahirapan ang magiging future ko," nakangisi nitong turan kay Yled.
"Excuse me, Mr. Yule Geronimo. I guess dapat mong ilagay sa ayos ang asal mo. You are here at my office and I won't allow na mabastos ang sinuman sa mga empleyado ko kasama na ang Executive Assistant ko," turan nito habang nakatingin ng matalim kay Yule.
"Okay! Okay!" taas kamay nitong turan. "I'm leaving now. See you around, my future!" Nilingon siya nito at kinindatan bago naglakad na paalis ng opisina. Nilagpasan din nito ang nagpipigil sa galit na si Yled.
Future mo muka mo! Wika ni Myrrh sa isip. Sarap balian ng leeg at pakuluan ng limang araw. Ewan nalang kung hindi ito lalong mamutla!