JANG SYNDICATE
"Kailangan itumba si Benavidez. Masyadong maraming alam. Hanapin din ang imbestigador na kinuha niya para mapatahimik,"wika ni Wei Jang sa mga bataan nito.
"Nagkamali ka ng binangga, Benavidez. Nagkamali ka! Dudurugin kita sa kamay ko at igaganti ang pagkapahiya ko sa pagtanggi mo na makipagpartner sa shipment ko at malaki ang nawalang pera sa akin," dugtong nito.
Nagpadala sila ng email sa lahat ng board ng BEC na nalulugi na ang kompanya, gusto nilang magkagulo silang lahat at pababain sa pwesto si Yled.
"You'll pay for this, Benavidez. Tatadtarin kita ng pinong-pino," nakangisi at tila nababaliw na wika nito
"Mr. Jang, kailangan ninyo mag-ingat," wika ng isa sa tauhan nila habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Ako? Si Wei Jang? Mag-iingat? Hah! Anong pinagsasabi mo?" bulyaw nito.
"May source po ako na kumikilos ang National Government Bureau at nakipag-tandem sa grupo ni Villa para patumbahin ka."
"Villa? The George Villa? The Commander of the Special Forces Organization?" sambit nito habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nito.
"Yes Boss. Pero mukhang iyong anak ni Villa ang kumikilos ngayon."
"Sinong anak?"
"Iyong anak niyang babae na agent din."
"Babae? Hmmm, interesting! Maganda ba iyan? Baka naman makuha sa pangromansa bago natin ibaon sa lupa!" Sabay humalakhak ito na parang nababaliw.
"Matinik iyon, Boss. Siya ang nagpatumba sa Trece Gang at sa grupo nila Sputnik."
"Sarap! Nakakachallenge! Ngayon palang naeexcite na ako kung paano ko tatanggalin ang tinik niya at pagsawaan. Walang tayuan, walang pahinga! Haha! Hanggang sa magmakaawa na lang siyang patayin siya! Kapag sawa na ako, bahala na kayo pagpasa-pasahan bago niyo pagpira-pirasuhin at itapon sa iba't ibang parte ng Pilipinas!" sambit nito habang pinagkikiskis ang dalawang palad at nakalabas ang dila na animo demonyo na nasasapian.
"Ano ang plano kay Benavidez, Boss?"
"Padalhan ninyo ng regalo para naman masurprise sya!" Humalakhak ito ng malakas at dinampot ang baril. Tinutok sa may pader na may nakadikit na litrato ni Yled. Inasinta ito at pinaputukan. Bulls-eye sa mukha ni Yled at para itong baliw na tuwang-tuwa.
"Humanda ka, Yled Benavidez! Sabik na akong paglaruan ka sa palad ko. Sisiguraduhin kong mahihirapan ka muna bago ka malagutan ng hininga!" ngingisi-ngisi nitong turan.
"Boss, handa na raw ang pag-transport ng mga babae papunta sa casa."
"Sige. Siguraduhing walang bulilyaso sa pagtransport ng mga babaeng iyan, naiintindihan ninyo?"
"M-May isang nagtangkang tumakas pero nahuli rin naman. Hindi na po ito mauulit," tugon nito sabay yuko.
"Patayin ang tatakas! Hindi pwedeng may makatakas at baka matiklo pa tayo pati negosyo natin! Mga gago!" galit na bulyaw nito.
"Y-Yes, Boss."
"Lumayas na kayo sa harap ko bago ko pa kayo pagbabarilin isa-isa mga t*rantado kayo!" Itinumba nito ang lamesa sa harap at tinadyakan ang upuan.
Siya namang dating ng isang lalaki.
"Bakit ka nanaman nagwawala riyan, Shoti Wei?" wika nito habang nakapamulsa. (Shoti means younger brother in Chinese)
"Bwisit kasi iyang mga tauhan natin, Ahia Warren! Mga walang silbi!" (Ahia means Elder Brother)
Bumuntong-hininga ito.
"Ahia, kumikilos daw ang National Government Bureau at nakipagpartner pa raw sa Special Forces Organization para itumba tayo. Yung anak daw ni Villa ang tumatrabaho ng kaso. Unahan na kaya natin? Itumba na natin iyon para mawala na sa landas natin!" Nanlilisik ang mata nitong sumbong sa kapatid.
"No. Unahin nalang muna si Benavidez, huwag mo pagaksayahan ng panahon ang grupo ni Villa." May kislap sa mata nito ngunit mabilis din nabura.
MYRRH'S POV
Napapitlag sIya ng biglang tumunog ang intercom sa harap nIya.
"Myrrh," wika nito sa baritonong boses.
"Y-yes, Sir."
Sh*t! Nautal ako! Bakit iba ang dating ng pangalan ko sa pagbigkas nya?
First time nitong tinawag sIya sa first name kadalasan ay Ms. De Gracia ang tawag nito sa kanya. My gulay! Pangalan pa lang Iyan ah? Paano na lang kapag Hon or Babe pa iyan? Haha! Napapailing na lang siya
"Ms. De Gracia! Are you still there? I said come to my office, now!" Naiirita na ang boses nito.
O loko! Pantasya pa Girl!
"Y-Yes, Sir. Coming."
Pagpasok niya ay nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya.
"Yes, Sir? Bakit po?"
"Summarize these reports. I need it tomorrow morning. Gagamitin ko iyan sa meeting with Mr. Campo." Inabot ang halos isang dangkal na folders. "May site visit din tayo sa hapon. Isasama kita sa Ilocos para sa ocular natin sa possible na bagsakan ng container van natin doon. Magdala ka ng damit dahil baka kinabukasan na ng hapon tayo makabalik." Sumandal ito sa swivel chair at pumikit habang hinihilot ang pagitan ng mga mata nito.
"Noted, Sir". Tinitigan niya ito at naawa dahil tila pagod na pagod na ito. Sa dalawang linggo niya rito ay nakita niya kung gaano ka-hectic ang schedule nito at kabi-kabila ang meetings. "Gusto niyo po ng coffee, Sir?" alok niya rito.
Dumilat ito at nagtama ang tingin nilang dalawa. "Yes, please. Thank you." Tumitig ito sa kaniya na tila binabasa ang mga mata niya. May haplos sa binata ang pag-alok dito ng dalaga pero hindi nito mabasa ang nasa isip ni Myrrh dahil blangko ang ekspresyon nito. Napako ang mata ni Yled sa mukha ng dalaga at bumaba sa labi. . . parang ang sarap kuyumusin ng halik.
Damn, Yled! Ano ba iyang naiisip mo?! Baka kulang ka lang sa dilig dahil busy ka nitong mga nakaraang araw! Sermon ng binata sa sarili. He thought that mayber it's high time for him to take a break, at naisipan na tawagan mamaya si Jasmin.
"Here's your coffee, Sir. Lalabas na po ako para matapos ko po ang report. May iuutos pa po kayo?" wika nito na nakasalikop ang kamay sa may tiyan.
"Wala na. Thank you." Tumalikod na ang dalaga at naglakad palabas. Akmang babalik na siya sa kaniyang binaabasang dokumento ng mapapitlag sa paghinto nito sa may may pinto sabay lingon sa kanya,
"What?" kunot noong tanong ni Yled.
"Nakakapangit po ang stress, Sir. Kalma-kalma lang po tayo." Ngumiti ito pati ang mata nito ay nakangiti rin at dumiretso na sa paglabas. Naiwan siyang naka-nganga at nakatingin sa pinto kung saan ito lumabas. Maya maya pa'y naiiling na lang siya at napangiti.
What the ---- kinikilig ka ba Yled? No! sigaw ng isip nya at pinilig ang ulo.
"Myrrh, hindi ka pa ba uuwi? 5pm na oh," wika ni Eve sa kanya habang nagliligpit na ng gamit at nagpapatay ng computer.
"Kain tayo ng dinner, Myrrh. Food trip tayo. Nakakapagod ang araw na ito. Kailangan magpagpag!" wika ni Kristine habang kumakain ng chips at muling sumalampak sa kanyang upuan.
"Sorry, Girls! Pass muna ang lola ninyo. May meeting si Boss bukas at may site visit, may mga pinapatapos na mga reports for the presentation. Next time bawi ako."tugon niya bago nilingon ang mga ito at nginitian.
"Naku, Myrrh. Sobrang suwerte ng BEC sa iyo. Alam mo bang sa two weeks mo rito, hindi pa namin ulit nakita iyang si dragon na bumuga ng apoy? Naging maayos ang takbo ng schedule niya, presentation at reports dahil sa iyo." wika ni Kristine habang ngumunguya.
"Oo nga, Girl. Tsaka sa totoo lang hulog ka ng langit!" wika ni Eve habang nagpapalit ng flat shoes at tinanggal ang heels.
"Hulog ng langit, kasi bawal ako doon?" natatawa niyang wika at umiling iling. "Sige na girls mag-iingat kayo sa pag-uwi" P.agtataboy nya sa mga ito.
"Sige, Girl. Ingat ka rin mamaya. Huwag ka magpagabi. May mga kaluluwang ligaw dito sa office na gumagala kapag gabi." Tila nananakot ang boses nito at nilakihan pa ang mga mata.
"Haha! Baka ang multo pa matakot sa akin, Girl. Hayaan mo lang sila basta huwag nila i-sabotahe ang reports na ginagawa ko dahil papatayin ko sila!" At nagtawanan silang tatlo ng malakas at umalis na ang mga ito.
Inabot na ng alas nuwebe Si Myrrh sa pagtapos ng report.
"Myrrh, why are you still here?" Si Yled.
"Ayy, Sir. Tinatapos ko lang po ang reports for tomorrow. Malapit na rin naman," sagot niya na hindi man lang lumingon dahil nakatutok ang mga mata sa computer habang nagkalat ang mga folders sa lamesa.
"It's late. Ipagpabukas mo na iyan. 9pm na. Teka don't tell me hindi ka pa nag-dinner?" Pinagkrus nito ang kamay sa dibdib at sumandal sa gilid ng cubicle niya. Nakakunot din ang noo nito.
Nilingon nya ito "Okay lang, Sir. Hindi pa naman ako gutom," tipid na sagot niya. Maya maya pa ay napasigaw na siya dahil natapos niya rin ang reports. "Done! Pa-check na lang po Sir bukas before presentation para mabago pa if may need baguhin at i-revise. Na-email ko na po sa inyo." Nilingon niya ito at napakunot noo sya dahil nakatitig lang ito sa kanya.
"Sir?" Pumitik siya sa may harapan ng mukha nito at napapitlag ito at tila bumalik sa huwisyo.
"I'll check it now." At bigla itong dumukwang sa table niya habang nakaupo siya sa upuan niya. Ang lapit ng mukha nila sa isa't isa.
Oh My Krynn! Huwag ka lilingon at baka magkahalikan kayo ng di oras! Para siyang tuod na halos ayaw gumalaw.
"Okay, this is good," wika nito at nakita niya ang malalim na buntong-hininga nito. Nakahinga na rin siya ng maluwag dahil tumayo na ito. "Let's go, ihahatid na kita, Ms. De Gracia."
"Thank you, Sir. Pero kaya ko na po umuwi." Hindi pwedeng malaman ni Yled kung saan sya nakatira.
"I insist." Tinitigan siya nito ng matiim.
"Kaya ko na po, Sir. Maaga pa po ang meeting ninyo bukas, umuwi na po kayo para may energy po kayo para sa presentation." Pangungumbinsi niya.
Kumuyom ang kamay nito at walang lingon-likod na mabilis tinahak ang elevator ng walang sabi-sabi.
Walk out teh? Haist! Naiiling nalang siya.