"Maliyah, may gustong mag-table sa 'yo," tawag sa kanya ng kasamahan sa club na si Aura. Katatapos lang niyang nagsayaw sa gitna ng entablado. Humithit siya ng sigarilyo saka bumuga ng hangin sa ere. Wala sana siya sa mood makipag-usap ngayon kahit kanino dahil birthday ng anak niya. Ngayong araw na ito ang ika-sampung buwan ni baby Brantley. Sampung buwan na siyang gabi-gabi na nangungulila sa anak. Nang makalaya siya sa kulungan ay nakalipad na nga ang mag-asawang Braxton at Nova kasama ang anak niya. Nakalaya siya sa kulungan pero kamatayan niyang maituturing ang araw na iyon. Wala na siyang anak. Pinirmahan niya ang adoption papers para maging legal na ina ni Brantley ang asawa ni Braxton. Ngayon ay ibang ina ang kumakarga sa anak niya. Ibang kamay ang hawak nito. Ibang mukha ang na

