RG 4 - CARDS ON DECK

2683 Words
"Hoyyy!!" "Ay powtekk!!" Tili ko sa taong gumulat sa'kin. Sino pa nga ba edi si Kurt na may toyo at kararating lang. Imagine 6am pa lang nambulabog na tumawag para makipagkita sa'kin para maisagawa mga plano niya? I canceled my whole day apportionment today just to make it up to him. Kung di lang para kay Zyla baka hinulog ko na to sa imburnal. "Bakit busangot mukha mo? Nagaway ba kayo ni Ace mo? Ayeeeh.." may gana pa itong mangasar. Naupo ito sa tapat ko na dala ang shake na inorder niya para samin. "Ano ba Kurt? Gusto mo ba akong takasan ng puso sa panggugulat mo? At wag na wag mong mabanggit-banggit sa'kin ang pangalan na yan!" "Haluh.. mukhang nagaway nga sila. Highblood eh." Bulong pa nito pero rinig ko naman. "Ano nga ba yong gagawin ko dun sa party?" Tanong ko rito na agad namang ikinangisi ng loko. Di halatang excited. Nagkwento lang ito ng nagkwento sa mga plano niya (bawal sabihin. Surprise nga diba?) At tanging tango lang sinasagot ko rito. Masakit pa rin kasi ang ulo ko mula noong magising ako kaninang umaga. That effin guy! Pagkatapos sugatan kamay ko'y may gana pang mag inject ng drug para patulugin ako? Para saan pa? Para hindi ko makita ang cool na pag exit niya? Naku na highblood na nga talaga ako! At isa pa, hinalikan ako ng ungas na yon! "Hoy Snow!" Natauhan ako sa pagtawag ni Kurt na mukhang malapit nang maasar sakin. "Nakikinig ka pa ba? At ba't yang plastic cup pinagdidiskitahan mo?" Agad naman akong napatingin sa plastic cup ko na nayuyupi na nga dahil sa panggigigil ko. "S-Sorry." Napaiwas agad ako ng tingin rito saka kumuha ng tissue para punasan ang kaunting shake na natapon sa kamay ko. "Don't worry. Gets ko na gagawin ko mamaya sa party. Sigurado akong magiging puso ang mga mata ni Zyla mamaya." Sabi ko rito saka nagsip doon sa shake. "Anyare sa kamay mo? Patingin nga." Nakita ko ang munting pagaalala sa mukha nito. Nagulat ako dahil napansin pala niya ito kaya agad kong itinago sa mesa ang kamay kong may band aid sa palad nito. "W-Wala ito! Nadapa lang ako sa CR kaninang umaga tapos itong kamay ko ang natukod ko." Pagsisinungaling ko rito. Nakita kong hindi ito convince sa sinabi ko kaya uminom nalang muli ako sa shake ko. "Kapag nalaman kong yong Ace na yon nanakit sa'yo, humanda siya kay Zyla." Natawa naman ako sa sinabi niya pero diko nalang ito ginatungan pa. Kaya ko gusto ang magjowa na ito eh, totoo talaga yong care nila sa'kin. "San mo ba yon nakilala at hindi mo nakwento? Alam mo bang muntik nang sumugod si Zyla kagabi sa condo mo nung sinabi ko sa kanya para kausapin ka? Buti na lang sinabi kong abala kayo ni Ace.." tumukhim pa ito kunware bago ituloy ang sinasabi niya, alam ko iniisip niya, green minded to eh. "...kaya ayun di siya tumuloy." Buti na lang dahil baka kung ano pa mangyari sa kanya. "Anong pa ehem-ehem mo jan? Wag kang green minded ha! Walang nangyari kagabi! Period!" Natawa na lang ito sa sinabi ko. Pero wala nga bang nangyari? Naalala ko tuloy ang halik na'yon kagabi na ikinakunot nanaman ng noo ko. "K. Fine! Di ako mananalo sa isang Attorney." Pagsuko naman nito na ipinasalamat ko. Dahil baka wala akong makwento tungkol sa Ace na'yon. Sino nga ba siya? At anong unang hakbang ang gagawin nito? Akala ko isang bangungut lang ang nangyari sakin kagabi pero noong nakita ko ang kamay kong may benda ay napatunayan ko sa sarili kong totoo nga ang lahat ng iyon. Minsan naiisip ko kung totoong masamang tao ito. Ginamot niya ang sugat ko at pilit na pinakain dahil alam niyang nagugutom ako. He even cleaned my kitchen before he left dahil wala na dun ang mga pagkain at mga bakas ng dugo naming dalawa. Pero kapag naaalala ko ang mga plano niya at ang pagkakaroon niya ng maraming tauhan na maaaring nagmamanman ngayon sakin ay pilit nanamang bumabalik ang takot at kaba ko sa dibdib. Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko rito ay si Kuya Klause lang pala. "Sino yan? Si pareng Ace ba?" I just rolled my eyes at Kurt na nagawa pang mangasar. "Si Kuya." sagot ko rito saka ko sinagot ang tawag ko. "Hello?" "Saan ka? Wala ka daw sa opisina ngayon sabi ni Rylie?" Nagaalalang tanong nito. "Oo. Kasama ko ngayon si Kurt." Tumingin naman ako sa kasama ko na abala sa kachat niya. Alam na. "I see. I was also invited to the party. Pati si Ate. Kuya can't make it. On the way na yon sa Canada." Mukhang nagdadrive ito dahil naririnig ko ang mga sasakyan sa background nito. "Yeh. It's a formal engagement party. Gusto mo ba magpasama mamili ng tux?" "No. Mayrun na akong susuotin. Dadaan sana ako ngayon sa office mo para dun sa case pero mukhang busy ka pa. Mamaya na lang siguro." "Oh! Its okay. Patapos na din kami dito ni Kurt. Dito ka na lang sa mall magpunta para makapagusap tayo." "Okay. I'm on my way then." Huling sabi nito tsaka binaba ang tawag. "Pupunta dito si Kuya." I told Kurt. "That's great! Matagal ko nang di nakikita yon." Masayang sagot nito. Magkakilala kasi din sila ni kuya. May share kasi ang company nila kina kuya. Pati na rin ang pamilya nina Zyla. Nakilala ko si Kurt sa mga socialites party while si Zyla ay kababata ko. "Oops! Mukhang di mona kami magkikita ni Mang Thomas. Tumawag si kamahalan. May pinabibili para sa party mamaya." Sabi nito tsaka dali-daling tumayo while looking at his phone. "See ya later!" Ayun na nga, nawala nang parang si flash. Pagibig nga naman. Timing naman ang pagtawag ni kuya sa pagalis nito. "Saan ka?" Tanong agad nito na mukhang nasa mall na. "Sa third floor sa may food court. I'm a black and white stripe dress. Antayin na lang kita sa may escalator." Sabi ko rito na agad ko namang ginawa. "Okay. Malapit na ako jan." Sagot nito na binaba na ang tawag. Tanaw ko na ang escalator at ilang sandali pa'y nakilala ko agad ang figure ng likod ni kuya na pataas na sa escalator. Luminga-linga ito na tila hinahanap ako. Tatawagin ko na sana ito nang biglang pumunta ito sa kabilang direksyon. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang nakatalikod na babae na nakasuot din ng black and white stripe dress pero magkaiba lang ng design nito sa suot ko ngayon. Kasing tangkad ko ito at pareho rin ang pangangatawan namin. Nakalugay nga lang ang mahaba nitong buhok. Di talaga maipagkakaila na mapagkamalan itong ako. Shemay! Bakig diko sinabing naka ponytail ako? Dali-dali kong hinabol si kuya pero huli na ang lahat dahil inakbayan na niya ang babae. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at napatili sa gulat ng hawakan nung babae ang braso ni kuya at pinilipit ito tsaka nito sinipa sa paa na naging dahilan ng paghampas ng likod ni kuya sa sahig! "Oh my god!" Halos mag ala flash na din ako sa pagmamadaling mapuntahan si kuya. Pinagtitinginanna din kasi ito ng mga tao. "Kuya Klause!" Sigaw ko rito nang makalapit na ako at lumuhod para tulungan itong makatayo. Pero mukhang napuruhan ang braso nito dahil dumadaing pa ito. "Aiko Snow?!" Agad akong napatingala sa babaing na medjo kapareho ko ng dress at siya ring tumawag ng pangalan ko. "Ate Miley? Dumating ka na?" Napatayo ako at halos lumuwa mata ko sa gulat. Ang pagkakaalam ko kasi ay nasa Japan ito para sa World Olympics ng Taekwando. Isa siya sa nagrerepresent ng bansa. Hindi na ako magtataka kung bukas naka wheelchair na si Kuya. "Oh my god!" Natutup nito ang bibig nito nang palipat lipat ang tingin niya sa'kin at kay kuya Klause. "Kaya pala biglang sumama ang hangin dahil nasa paligid ang kuya mo." Bitter ito kay kuya pero mabait pa rin sakin sa kabila ng nangyari sa kanila. "Sorry Ate Miley, napagkamalan ka lang ni Kuya na ako. Medjo parehas kasi suot natin eh. Magkikita kami sana ngayon." Napasapo naman ito sa ulo nito tsaka napatingin sa mga damit namin. "Bakit ikaw ang nagso-sorry jan eh ako yong nabaliaan ng buto dito?" Singit naman ni kuya na muntik ko nang nakalimutang nakahandusay parin ito sa sahig hanggang ngayon. "Oops! Sorry kuya!" Tinulungan naman ako ni Miley na itayo ito. "Okay ka lang?" Biglang napalingon naman ako Kay Ate Miley nang taungin nito si Kuya at mababakas pa rin sa mukha nito ang pagaalala. "Yeh. I can still manage." Sagot naman rito ni Kuya kahit iika-ika na ito. "No you can't. Dadalhin kita sa clinic ng mall." Sagot naman rito ni Ate Miley. Kung di lang awkward ay baka kiligin ako sa dalawang to. May paghihiwalay pang nalalaman eh halata namang mahal pa rin ang isa't-isa. Feeling ko na-o-op na ako. "Snow, dalhin ko mona sa clinic Kuya mo. Ayos lang sa'yo maghintay mona dito sandali?" Nabigla ako nung tanungin ako nito pero agad din naman akong tumango. Gusto ko sanang samahan sila ni kuya pero ayaw kong makasama sa moment nilang dalaw. Mahigit isang taon na din noong naghiwalay sila. "I said I'm fine." Maktol pa ni Kuya pero inalalayan pa rin ito ni Ate Miley. I'm fine daw sabi ni kuya pero di naman maipinta mukha niya sa sakit. Pabebe lang yan. Tingnan mo nakimutan na niyang ako dapat kikitain niya. Pagibig nga naman. Agad naman akong humanap mauupuang bench habang hinihintay ang dalawang soon to be lover. Nabigla ako ng may dalawang cute na bata ang lumapit sa'kin na may dalang tatlong itim na rosas. "Para po sa inyo." Sabay pang sabi ng dalawa. "Wow. Ang cute niyong dalawa. Sure ba kayong para sakin to?" "Opo!" Sabay nanaman nilang sabi tsaka nagtatakbo papuntang playhouse. Hindi ko na sila nasundan dahil nakatingin na ako ngayon sa tatlong rosas na binigay nila sa'kin. "Kanino galing to?" Bulong ko sa sarili ko pero agad namang nasagot ang tanong ko nang mapansin ko ang nalaglag na isang maliit na card sa may paanan ko. Its an Ace of Spade. I knew it! Agad akong napatingin sa paligid pero wala akong napansing kahinahinalang tao. Tumingin ako sa likod nung card at binasa ang nakasulat rito. "Go to this store and remember rule #1." Agad ko namang nagets ang pahiwatig nito. If I decline, someone will die. Agad naman akong tumayo para hanapin ang store sa loob ng mall. Nang mahanap ko ito ay bumungad sa'kin ang isanh dress shoppe. Nang makapasok ako'y agad may nag escort sakin para pumunta malapit sa dressing room. "Good morning ma'am. Someone instructed me to give this dress to a lady who's gonna enter this store while holding a three black roses." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Napatingin naman ako sa rosas na hanggang ngaun ay hawak ko pa rin pala. Ano bang trip ng taong yon at may gana pang bigyan ako ng damit?! Kaya ko namang bilhin ito if I want to. Bumuntong hininga na lang ako at di na nagtanong pa sa babae. "He told me to tell you that you shoud wear it for your tonights event and remind you not to forget rule #1." She even instructed this innocent lady to tell me this full of craps. "Thank you. What's your name miss?" Tanong ko naman rito. "You can call me Joanna Chao ma'am." Sagot nito sabay turo sa name tag niya. "Okay. Thank u again Joanna." Ngiti ko rito at tuluyan nang umalis ang sales lady. Tiningnan ko ang laman ng paper bag at nakita ang laman nitong itim na long dress. May mahaba itong slit sa baba na hanggang legs ko at masyadong revealing ang likod nito. Muntik ko nang maitapon ang dress kung di lang sa sinabi ng sales lady. Nagulat pa ako ng makita ang isang pares ng heels sa loob ng paper bag. Sakto sa size ko. Mukhang pinaghandaan talaga ito ng mokong. Bumaba ako ng limousine na naghatid sakin sa mansyon ng Montefalco, ang bahay nina Zyla. Agad namang sumalubong sa'kin ang iilang photographer na inimbitahan din upang saksihan ang engagement party na ito. Ngumiti ako ng ilang saglit sa mga ito bago tuluyang naglakad sa red carpet. Inikot ko ang paningin sa paligid at di maiwasang mamangha sa effort nina Zyla at Kurt sa paghahanda ng gabing ito. Marami akong businessman na nakita sa loob na abalang nakikipag socialize sa kapwa nila businessmen. I saw Kuya Klause with Ate Miley sa gilid ng crowd kasama ang mga kaibigan nito na mukhang nagkakamabutihan na. I think maganda ang naidulot ng pagiwan ko sa kanila kanina dahil nagkaroon sila ng closure. Medjo nabigla pa ako dahil parang naka couple outfit pa ang mga ito. Lahat sila'y nakasilver. Ate Miley is wearing a silver long sleeve dress that is fitted to her body while Kuya Klause is wearing his silver tux. Masaya ako para sa kanila. Lalapit sana ako sa gawi nilang nag makita ko si Ate Gabriella na kasama nila. She's wearing a mermaid dress and she looks stunning on it. Kasama niya din ang long time boyfriend niya na si Soren Magalona. She saw me first so she wave at me. Nginitian ko naman siya bilang ganti. May tampo nga ako sa kanila pero nangingibabaw pa rin minsan ang pagiging Ate ko sa kanya. "Snow! Bakit ngayon ka lang?" Sumalubong sa akin ang masiglang boses ni Zyla. She looks blooming tonight. She's wearing a long white dress. Knee length lang ito sa harap habang mahaba naman ang cut nito sa likod na sumasayad sa lupa. Agad naman itong nakipagbeso sakin tsaka yumakap ng mahigpit. "It's been a long time attorney! Hindi ko alam na nagiging revealing na pala mga taste mo sa damit! You look stunning tonight!" Biro pa nito na may kasamang kiliti sa tagiliran ko. "Wala lang akong choice." Sagot ko naman rito na gumanti ng kiliti sa kanya. Ganun talaga kami kapag nagkikita. Nakasanayan na naming gawain ang kilitiin ang isa't isa kahit anong okasyon ay wala kaming pakialam. "Ikaw ah! May hindi ka sinasabi sakin!" Medjo kinabahan ako sa sinabi niya sakin. Naisip kong baka may nalaman siya sa sorpresa namin sa kanya. "What do u mean?" Pagmamaangan ko rito. "May Ace ka na pala ha! At matagal na pero wala lang nababanggit ni ano sa akin!" Sabi pa nito na kunwari busangot pa ang mukha. Pareho talaga sila ni Kurt kapag nagtatampo. Medjo namawis naman ang kamay ko dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. "I'm so sorry Zy, ganito kasi yon-" hindi ko na natuloy sasabihin ko nang mabaling ang atensyon nito sa entrance ng hall. "Oh my gosh! Pumunta nga siya! Ngayon alam ko na kung bakit ganyan ang suot mo ngayon! Bagay na bagay nga talaga kayo!" Nagtaka naman ako sa pinagsasabi nito kaya hindi ko napigilang lumingon sa taong tinitingnan niya. Halos magkarerahan ang mga kabayo sa puso ko ng makita ang taong papalapit sa direksyon namin. Deretso lang ang tingin nito sa mga mata ko habang halos ng mga tao sa gawi niya ang siya mismong napapiwas sa dinaraanan niya. Medjo nagulat ako ng may ilang mga businessman ang bumabati rito at kanya namang nginingitian. Mukhang may koneksyon nga din ito sa business industry kagaya ng hinala ko. He's wearing a full black tux na may nakausling pulang rosas sa kaliwang dibdib nito. Hes dark hair has been pulled back emphasizing his dark eyes and thick brows and the authority on his face feels like you don't want to mess around him. Na emphasize din ang magandang katawan nito dahil sa suot niya. Mas mukha na itong kagalang-galang kumpara sa tagpo namin noong gabing iyon. Halos makuha niya ang lahat ng atensyon ng tao na nasa entrance. Agaw pansin kasi ang appeal nito pati na rin ang hindi makakailang katangkaran nito. "A-Ace?" Ang tanging lumabas sa bibig ko nang ilang metro na lang ang layo nito mula sa amin ni Zyla. "W-What the h*ll?" - END OF EP. 4
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD