RG 5 - FULL HOUSE

3418 Words
RANDOM GUY - EP. 5 "Bakit siya andito?!" Gulat na tanong ko kay Zy. "I invited him yesterday. Palabas na sana kami ng resto ni Kurt tapos bigla namin siyang nakasalubong. Nakilala siya agad ni Kurt kaya 'ayun nakipagkwentuhan pa kami sa kanya. Hindi ba nabanggit sa'yo ni Kurt kahapon? He told us everything about the two of you." Masayang paliwanag naman nito na siyang ikinapanlumo ko. Hindi talaga ito titigil hangga't hindi niya nagugulo buong buhay ko. I bet hindi by chance ang pagkakasulubong nito sa dalawa. Parte lamang iyon ng mga plano niya. "Hindi nabanggit sa'kin ni Kurt." Tanging na'sagot ko na lang. "Hainaku nakalimutan na naman siguro niya. Nasaan na kaya ang tukmol na 'yon? Kanina ko pa 'di nakikita." Maktol pa nito. We are going to surprise Zyla pero mukhang ako pa ang unang nasurpresa ngaung gabi. "Hi babe." Nagulat ako nang dumating na ito tsaka lumapit sa'kin. He pulled me closer by pressing my exposed back towards him na agad kong ikinasinghap. He even kissed my right cheek that sent shivers down to my spine. This jerk! Hindi na ako nakapagsalita dahil sa gulat! "Glad you could make it Mr. Ivanov!" Magiliw na sabi ng kaibigan ko tsaka ako nito binigyan ng makahulugang ngiti. 'Mr. Ivanov huh?' bulong ko sa sarili ko. "It's my pleasure." Sagot naman ng lalaking 'to na hanggang ngayon di'pa rin binibitawan ang likod ko. Makatsansing lang eh nuh? "Sige, maiwan ko na sayo si Snow. Kausapin ko lang ang iba pang mga guests. " Nakangising sabi ni Zyla at tuluyan na kami nitong iniwan. Gosh! Gusto ko nang lumubog sa lupa sa mga oras na'to. "What do you think you're doing Mr. Ivanov?" I said emphasizing his surname. I bet gawa-gawa lang din niya ang apelyidong 'yon. "Well, this is what I call 'Phase 1' and I dare you to introduce me as your boyfriend to everyone you know." Mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi nito. Hinawakan pa nito ang takas na buhok ko at nilagay sa likod ng taenga ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko'y palagi akong nakukuryente sa bawat paghawak nito sakin. This is dangerous! Pinaglalaruan niya ako at nilulubog sa mga patibong niya. Ngunit wala akong magawa. "Looks like our acting will officially start now.." bulong pa nito sakin tsaka tiningnan ang apat na taong papalapit sa direksyon namin. I'm doomed. "Mr. Ace Ivanov!" Nagulat ako sa tinawag sa kanya ni Kuya. They both shook their hands kasama si Kuya Soren. "Hi Snow!" Hindi ako agad nakapagsalita dahil lumapit naman sa'kin si Ate Miley at Ate Gabriella para makipag beso. "Hindi ko alam na close ka pala sa kapatid kong si Snow." Sabi pa ni Kuya tsaka ako nito binigyan ng makahulugang tingin. "Akala ko'y sa'min lang ni Kuya Warren naglilihim itong si Snow. Mukhang sa'yo din pala Klause." Nakangiting sabi naman ni Ate Gab tsaka nakipagkamay na rin sa kasama ko. "Hi Ace! How did you two know each other?" "Hello Miss Gabriella. Sorry hindi ko nasabi sa inyo ang tungkol sa'min. Nirerespeto ko kasi ang desisyon nitong ilihim sa inyong lahat ang relasyon namin." Gulat ko itong tiningnan sa mata pero nginisian lang ako nito. Pakiramdam ko nasa loob ako ng kawali ngayon habang pinapakuluan. "My gosh! So may relasyon nga kayo?" Bulalas naman ni Ate Miley. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Lahat sila ay nakatingin sa'kin. Lalo na si Kuya, hindi ko alam kung anong iniisip nito sa mga oras na'to. Hindi ko alam kung masama ba ang loob nito dahil akala niya ay naglihim ako sa kaniya o masaya dahiln sa wakas may nobyo na ako. "You all know each other?" Tanong ko sa kanila, pilit iniiba ang usapan. Hindi nga madali ang ma-hot seat. "I've known Ace few months ago. He invested in our company at sa ngayon, 12% out of 100% na share ng company ay nasa pangangalaga na ng pangalan niya." Paliwanag naman ni kuya na mas lalo kong ikinagulat. Hindi nga ito nagbibiro sa mga sinabi niya sa'kin kagabi. All my hints was right. Hindi ito ordinaryong tao. Mas nakakatakot pala ito kay'sa sa inaasahan ko. "Yeah. Klause is right. Magmula noong nag invest si Ace sa kompanya ay tumaas ng 5% ang sales at production nito." Pakiramdam koy nahihilo na ako sa dami ng nalaman ko ngayong gabi. Hindi lang ang kamay ko ang nakatali sa kanya. Pakiramdam koy isa siyang gagamba na unti-unti akong iniikot sa sapot nito. "Isa din si Ace sa naging sponsor ko noong lumaban ako at ni Soren sa Olympics for Taekwando and Motor cross race. Kaya laking pasasalamat ko sa suportang binigay ng joint company niyo." Dagdag pa ni Ate Miley. "That was a good investment. Hindi ako nagsisi sa mga ginawa ko. I think all of us had benefited each other." Confident na sagot naman nito na ikinatuwa din nila. Hindi na ako nakapagsalita. Tila nalunok ko na ang lahat ng mga salitang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung ilang tao pa ang nasa listahan ng mga plano niya. Ace Ivanov. Sino ka nga ba talaga? Bakit mo to ginagawa? Ano bang plano mo? Bakit ako pa ang napili mo sa mga kademonyohan mo? Naramdaman kong magtatanong pa sana sila tungkol samin ni Ace nang maagaw ng atensyon namin ang masiglang announcement ng hosts sa gabing ito. "Ladies and gentlemen, I would like to welcome the arrival of Mrs. Lylia Miles together with his heirs son Mr. Warren Miles and Miss Quinn of Quinn's cosmetic company and associates." Nabaling ang atensyon ng lahat sa kararating lang na guests. Hindi lang ako ang nagulat kundi pati na rin sina kuya. Hindi ko akalaing maaga pala ang pagdating nito galing Canada at aabot pa sa event na ito. Base sa ngiti ni Mama ay mukhang naging successful ang naging proposal ng paborito nitong anak sa Canada. Malaking ebedinsya na rin ang pagsama ng nagiisang Heirs na si Miss Quinn. Agad silang sinalubong ng mga Montefalco kasama ang mga magulang ni Zyla. They are considered as VVIP to this event. Hindi rin magkaundagaga ang mga photographers sa pagdating nila. Kuya Warren and the family's company is considered as one of the top sa bansa and internationallykaya hindi na bago sakin ang reaksyon ng mga tao kapag si Kuya Warren na ang pinaguusapan. One of the most in demand bachelor of all time. Noong namatay si Papa ay sa kanya nito binigay ang 55% share ng kompanya samantalang ang natira ay para samin. Iyon ang mga panahon na hindi ko tinanggap ang shares ko at binigay na lang ito kay kuya klause. "Looks like the night is getting nicer." Bulong ng demonyo sa gilid ko. Walang iba kundi si Ace. "My son and daughters." Salubong ni Mama samin pagkatapos ang magarbong entrada nila. Nasa likod niya sina Kuya at Miss Quinn na kinakausap pa rin ng ibang mga guests. They all greeted mom with hugs and kisses kasama ang mga partner nito. "Oh Miley and Soren. I'm so glad na dumating kayo safe and sound." Sabi pa nito sa mga future son and daughter in laws niya. Nang matapat na ito sa akin ay binigyan din ako nito ng halik sa pisngi na may pinakamatagal na yakap. Pakiramdam ko'y hindi ito engagement party nina Zyla kundi family reunion namin. "Oh my, dear Snow. I've missed you so much. Hindi ka na bumubisita sa bahay ng madalas." Sabi nito sakin habang hinahaplos ang pisngi ko. I've missed mom too. Very much pero wala akong mukhang maihaharap sa kanya noon matapos ang mga nangyari. Hindi na ako nagsalita, gusto kong maluha pero pinigilan ko lang. "Who's this handsome young man beside you dear Snow?" Baling nito kay Ace na nakahawak pa rin hanggang ngayon sa baywang ko. "He's Ace Ivanov mom." Pagpapakilala ko rito kahit napipilitan lang ako. "It's a pleasure to meet you finally Madame Lylia." Sabi pa nito kay mama sabay abot sa kamay niya na malugod namang tinanggap ni mama. "He's the Ace that I've told you before mom, at mukhang nagkakamabutihan po sila ni Snow." Singit pa ni kuya na ikinainit ata ng ng mukha ko. Hindi ako sanay na mag introduce ng nobyo dahil una beses ko itong nagawa. "Oh.. I see. When will two you finally deciding to settle down? Mukhang naunahan ka na ni Zyla at Kurt anak." Mas lalo atang pumula ang pisngi ko na ikinatawa lang ni Ace. "Si Snow lang po ang makakapag decide niyan. I'm willing to wait for her kahit gaano katagal." Litanya pa nito na ikinairap ko lang ng palihim. Sumasakit ang puso at isipan ko sa mga pagpapanggap na ito. Kailan kaya matatapos ang gabing ito? Buti na lang at dumating Zyla para i-guide kami sa mauupuan naming pamilya. Ace is very confident talking to my family na parang ako pa ang na-o-op rito. Nakikita ko sa mga mata ni mama ang tuwa sa bawat sagot nito. Kung alam lang sana nila kung gaano ito kademonyo. Ang gusto ko sana'y maupo sa ibang table para matadtad ng tanong si Ace pero diko inaasahang makakasalo ko pa ang pamilya ko which is super awkward. I'm sure maraming tadtad na tanong sakin si Kuya at Ate Miley pagkatapos ng gabing ito. "What happened to your hands?" Biglang tanong ni mama nang nagkataong nagkasabay kaming nainom ni Ace ng wine using our left hands. Nice timing huh. Di parin nawawala ang pagiging mitekulusa ni mama. Pati si Kuya Klause ay hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang tinura ni mama. "Uhm. A-ano po kasi.." naputol ang sasabihin ko sa pagdating nina Kuya Warren. "What did I miss?" Ang tanong nito pagkaupo niya sa table namin kasama si Miss Quinn na ipinaghila pa niya ng upuan. Miss Quinn is really beautiful and sophisticated. Bagay sa cold personality ni kuya. Napaupo naman ng maayos sina kuya klause at ate gab na may kanya-kanyang usapan kanina lang. "Oh son. Meet Ace, I think he's Snow's boyfriend na mukhang matagal na niyang inilihim satin." Biro pa ni mama na mas nagpa awkward pa sa nararamdaman ko. Naramdaman ko ang pagbigat ng atmosphere sa dalawa. Hindi ko maintindihan ang sandaling pagtititigan ni Kuya Warren at Ace. Tila may namumuong pressure na ako lang ang nakakapansin. "Pleasure to meet you Mr. Warren Miles." Si Ace ang unang bumasag sa katahimikan nilang dalawa. Tumayo ito at naglahad ng kanyang kamay. "The pleasure is mine Mr. Ace Ivanov." Hindi ko inaasahan ang pagtayo ni Kuya para kamayan din ito. Nagpasalamat ako ng nagpatuloy ang daloy ng usapan tungkol sa negosyo at ano pa man. Nagkaroon ako ng pagkakataong makahinga dahil sa pressure. Naagaw ng atensyon ng lahat ang biglang pagtunog ng isang matinis na sipol. Isa iyon sa napagusapan namin ni Kurt bilang senyales sa surpresa namin kay Zyla. "I need to excuse my self." Sabi ko sa gitna ng pananahimik ko. Kailangan kong hanapin si Zyla para maumpisihan na namin ang operasyon namin ni Kurt. "Where are you going dear?" Nagtatakang tanong naman ni Mama nang tumayo na ako. "I need to find Zyla po." Maingat na sagot ko rito. Magtatanong pa sana ito pero biglang nagsalita si Kuya Klause. "Hayaan niyo na po siya Ma. May hinanda po sila ni Kurt para sa kaibigan niya." Nginitian ko lang si kuya bilang pasasalamat sa pagsuporta niya sakin. "Oh.. Talaga? That's great! Good luck!" Nakangiting sagot naman nito. Aalis na sana ako ng hindi ko inaasahang paghila sakin ni Ace sa kamay. "Take care babe." Sabi pa nito sabay halik sa kamay ko na ikinagulat ko. "O-okay. T-thanks." Tanging nasabi ko na lang at tuluyang umalis sa table namin. Lutang ang isip ko habang hinahanap si Zyla sa crowd. Ang Ace talaga na yon! Nakakarami na siya sakin! Ugh!. Laking tuwa ko ng makita ko si Zyla habang nakikipagkwentuhan sa iilang mga bisita. Agad ko itong pinuntahan. "Please excuse me. I need to borrow Misa Zyla for a while." Sabi ko sa mga kasama nito. "No problem Attorney." Sabi naman nila kaya agad ko namang hinila ito. "I have something to tell you." Sabi ko rito habang nakangiti. "Oh. Okay!" Sagot nito kahit na medjo naguguluhan. Unti-unti ko itong isinasama sa gitna ng hall. Nabigla naman ito ng biglang may dumating na mga escort at waiter para marahang hawiin ang crowd kaya tanging kami lang ni Zyra ang natira sa gitna na napapalibutang ng mga guests. "Snow, what's happening?" Nakita kong kinakabahan ito pero bigla ko nalang itong niyakap para i-comfort. "I need you to stay here no matter what. I need you to wait. Okay?" Sabi ko rito habang hawak ang kamay niya na nanlalamig. I'm so happy for this girl. "Saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito sa gitna?" Nagaalalang tanong nito. "Don't worry, you'll be fine. Sigurado akong maghuhugis puso ang mga mata mo pagkatapos nito. Kailangan na ako sa stage." Ang huling sinabi ko rito bago tuluyang iwan ito sa gitna. Mayroon akong talent na hindi ko kailanman ipinagsabi kahit kanino maliban sa magjowang ito. High school pa kami ni Zyla noon sa tuwing nagkakatuwaan kaming dalawa na mag record pero di namin pinopost dahil nahihiya ako. Pero dahil mahal ko silang dalawa ay kaya kong pagbigyan ang munting hiling na ito para sa ikaliligaya nila. Napatingin sa akin ang mga guests pati si Zyla na natutup ang kanyang bibig nang marealize niya kung ano ang gagawin ko. Maluha-luha pa ito sa sobrang saya dahil hindi niya ito inaasahan kaya nginitian ko lang ito. Suminyas ako sa isang crew na naka assign sa lightings. Naintindihan naman niya agad ang pahiwatig ko kaya agad niyang pinatay ang mga ilaw at tanging ang stage lamang at si Zyla ang may spotlight. Tuluyan ko nang nakuha ang atensyon ng lahat. Pati ang pamilya ko at iba pang nakaupong guests ay napatayo para humarap sa entablado. "Ladies and gentlemen. I would like to offer this special gift for these two people who has been very special to me since day 1." Pagsasalita ko sa mic na ikinatahimik ng buong mansyon. Everyone is waiting for a special moment to surprise them. "Zyla, I want you to look at the entrance hall. Wag kang titingin sakin pero pakinggan mo lang ang lahat ng mga sasabihin ko." Sabi ko rito na agad niya namang sinunod. Bigla naman nagkaroon ng spotlight ang hall to reveal a bunch of cute little kids na naka custome pa na parang mga diwata. Nakalinya ang mga to na may hawak ng puting mga rosas na tila hinihintay ang hudyat ko. Everyone was so quite and surprised sa mga nakikita nila especially Zyla. "Wise... man... says..." dahan-dahang pagsisimula ko sa linya ng isang kanta. Walang anumang instrumento o tugtug. Tanging ang malumanay kong boses ang namayani sa paligid. Napatingin ako sa gawi nina mama, nakita ko ang gulat sa kanilang mukha lalo na ang mga kapatid ko. "Only fools rush in..." dugtong ko pa rito, and is if on cue ay dahan-dahang naglakad ang mga batang may hawak ng puting mga rosas. Someone caught my eye. It's Ace, he's lookinh directly into my eyes. He's standing in the corner while his arms are crossed on his chest. Para akong natutunaw sa mga titig nito kaya pinili ko ang umiwas nalang. "But I... can't help..." isa isang binigay ng mga bata ang mga bulaklak na dala-dala nila kay Zyla na siya namang tuluyang ikinaluha nito. Ang iba pa nga rito ay hinahalikan siya sa pisngi. I close my eyes as I feel the lyrics of the song. "Falling in love... with you." I said as the live violens and pianos started playing on the background. Nakarinig ako ng mga pagsinghap at palakpakan ng mga tao when Kurt finally appeared in the hall while holding a bouquet of white flowers, mayroon ding nakakabit na lapel sa kanya upang marinig ng lahat ang sasabihin niya mamaya sa babaing pinkamamahal niya. He's wearing a full white tux while excitement and happiness is plastered all over his face. "Shall... I... stay?" Biglang pagkanta nito habang sinasabayan ng mga instruments sa background na ikinagulat din ng iilang guests. He has a nice voice, dati itong may banda noong mga college pa kami. Isa sa rason kung bakit nabunggwit niya si Zyla dahil sa panghaharana nito madalas. "Would it be... a sin?" patuloy nito sa pagkanta habang dahan dahang papalapit sa fiancee nito. "If I cant help..." dahan-dahan nitong pagkanta while closing the distance between him and his beloved girl. Hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa direksyon ni Ace. Pero hindi ko alam kung madi-dissapoint ako nung mawala na siya sa kinatatayuan nito kanina. "Falling in love, with you..." Kurt sang as he finally closer to Zyla. Inabot nito ang bouquet ng rosas na malugod namang tinanggap ni Zy. "Zyla..." pagsisimula nito habang nakatitig sa mga mata ng kanyang nobya. Patuloy pa rin ang tugtug sa background. "I may not be the perfect guy for your ups and downs, I may not be Mr. Right but I can assure you that I can be The One who can catch you every minute and every second of your fall." Kurt said sincerely na nagpaiyak ng tuluyan kay Zy. Napahiyaw naman ang iilang guests nang unti-unting lumuhod si Kurt. Napalingon ako sa pamilya ko. Naalala ko tuloy noong mag propose si kuya kay ate Miley. Ako pa nga ang pinahawak niya noon ng singsing para iabot ito sa kanya. Naganap ito noong summer 2 years ago sa aming private resort. I saw kuya Klause kissed ate Mileys forehead na ikinangiti naman nito. Nakaka relate talaga ang dalawa. I saw ate Gabriella and Soren staring and smiling at each other na parang naguusap ang mga mata nila. Love is a real universal language. Kailan ko kaya mararanasan yon? Nabigla naman ako ng makita kong umakbay si Kuya Warren kay Miss Quinn. Hokage din pala to eh. Pero natawa ako ng tanggalin ni Miss Quinn ang kamay nito sa balikat niya na ikinakunot ng noo ni Kuya. Aalis na sana ito pero hinila ni miss Quinn ang kamay nito tsaka ipinagdaop. Nakita ko naman ang pagpipigil ni Kuya Warren sa mga ngiti nito. "Zyla Montefalco, will you marry me?" Kurt finally asked. Natahimik ang lahat pati ang mga background instruments. Parte talaga yon ng plano para marinig ng lahat ang isasagot ni Zy dahil wala itong lapel. "Kurt De Cerna, you never fail to surprise me." Nakangiting simula ni Zy. "Yes.. I will marry you." Napuno ng palakpakan at sigawan ng mga guests ang buong mansyon sa naging sagot ni Zyla. Halos napaluha at nanginginig sila pareho habang isinusuot ang singsing ng bawat isa. They ended up hugging each other. Nagpatuloy ang tugtugin at nagpatuloy rin ako para tapusin ang kanta. "Like a river flows... Surely to the sea, Darling, so it goes, Some things are meant to be.." I stopped singing and let the crowd continue the rest of the lyrics. Hindi ako nag absent kahapon na walang ginawa. 50% siguro sa mga guest na nasa listahan ni Kurt ay inimbitahan namin ng personal para tulungan kaming maitawid ang surpresang ito. Pinangunahan ng pamilya Montefalco ang pagkanta hanggang halos lahat ng guests ay nakisabay sa rito. "Take my hand, Take my whole life too. For I cant help, Falling in love... With you.." "For I cant help, falling in love... with you." I sang ending the song while closing my eyes. Dahan-dahang nahulog ang mga rose petals galing sa taas na siyang hindi ko rin inasahan. Everyone clapped their hands because of amusement and happiness habang tumutunog pa rin ang orchestra. Ang ilan sa mga guests ay nagpunta sa gitna upang sumayaw kasama ang newly engaged couple. I smile at the view. This is really love. Hindi ko inasahan ang makita ang taong hinahanap kanina ng mga mata ko. Parang nag slow motion ang lahat habang patuloy na nahuhulog ang petals sa aming dalawa. He come closer to me as he hand give the rose na nakalagay sa may dibdib ng kanyang tux. Tinanggap ko ito kahit nagdadalawang isip ako. I'm like hypnotized again from his eyes. "Will you do the honor to be my dance for tonight?" He said while offering to me his right hand. I stare at it for a moment bago ito tuluyang tinanggap. "What do you think you are doing?" I said as we both sway to the music. "We are dancing Snow." He said as he pull me more closer to him. - END OF EP. 5
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD