RG 6 - ALL SET

4513 Words
"Thank u for tonight Snow" said Zyla as she hug me so tight. "Of course! Your welcome basta ikaw." I said hugging her tight too. Natapos ang party ng mapayapa after ng masayang sayawan at kainan. Nasa labas ako ng mansyon kasama ang newly engaged couple habang bumabati at nagpapaalam ang ibang mga guests na pauwi na. "Sa susunod ulit taong nuwebe! Yong kasal naman namin ang pagplanuhan natin." Said Kurt habang nakaakbay pa rito. Nagawa pang magsalute sakin. "Hoy lakas ng toyo mo ah! Nangaabuso ka na sa kabaitan ko eh! Hindi libre ang serbisyo ko Kurt Dela Cuesta!" Binatukan ko ito na ikinatawa lang nilang dalawa. Humupa ang tawanan namin nang matanaw namin ang Mama ko kasama ang mga magulang ni Zyla at Kurt na papalabas na ng mansyon. Makikitang masaya ang mga to sa nasaksihan nila ngayong gabi. "Congratulations to the both of you." Bati ni mama sa kanila sabay yakap sa mga ito. "Thank you tita! Di po ito magiging successful kung wala din ang tulong ni Snow." Masayang tugon naman rito ni Zyla na mas ikinangiti ni mama. "May itinatago pa lang talent ang anak mo Lylia." Natutuwang sabi naman ng mama ni Zyla na ikinangiti ko lang. "Yes! She really have a good voice!" Dadag pa ng papa ni Kurt na makwela din minsan. Alam na kung san nagmana ang toyoin. "I know! I was also surprised! May ganoon ka palang talent my dear Snow, bakit hindi ko iyon nalaman?" Natahimik ako sandali sa tanong nito. Hindi ko alam ang isasagot kay mama kaya niyakap ko na lang ito at hinalikan sa pisngi. "Ingat po kayo mama sa paguwi." Nginitian ko ito na ikinabuntong-hininga niya. Ramdam pa rin nito ang lamig ng pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko naman ito gusto. Masyado lang masakit ang nangyari 10 years ago na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. That reminds me of the folder na hindi ko pa natitingnan. Pero ganoon pa man, may idea na ako kung tungkol saan yon. "All right then iha. Magiingat ka rin palagi. Lagi mo lang tatandaan na laging bukas ang mansyon para sayo." Malungkot na sagot nito tsaka hinawakan ang pisngi ko. Tahimik lang sina Kurt at Zy dahil hindi na bago sa kanila ang pakikitungo ko sa mama ko at sa dalawa ko pang mga kapatid dahil sa insidenti noon.   "Mauuna na ako sa inyo. Just keep me posted sa araw ng kasal ng dalawa." Paalam pa ni mama sa mga Montefalco. "Mauuna na din kami sa inyo." Paalam din ng mga De la Cuesta. "Kurt, wag ka masyado magpagabi mamayang uuwi ka." Paalala pa ng mga ito sa anak nila na ngumisi lang. Toyo talaga. Agad namang bumalik sa loob ang mga magulang ni Zy para kausapin ang mga natitirang bisita. Tahimik ko lang na pinagmasadan ang papaalis na sasakyan ni mama. Namiss ko siya pero ayokong bumalik sa mansyon. Maaalala ko na naman ang nangyari noon. "Hoy Snow, Paano ka?" Napatingin naman ako kay Zy dahil sa sinabi nito. "Paanong ako?" Kunot noong sagot ko rito. "Hindi ka nagdala ng sasakyan diba?" Nagaalalang tanong nito.  Oh shoot! I almost forgot. Hinatid pala ako ng limo Kanina papunta rito kaya wala akong dalang sasakyan ngayon  "Makikisakay na lang siguro ako kina kuya Klause." Yon lang ang naiisip kong paraan. "Neknek mo! Nauna na silang nagpapaalam kanina sa loob! Nahilo kasi si Miley kaya inuwi niya." Bulyaw sakin ni Kurt. Napatingin ako sa phone ko at nakita kong may text nga si kuya Klause kanina na nagmamadali dw itong umuwi kaya di na nkapagpaalam sakin. "Kina Warren ka nalang kaya sumakay?" Pabirong suggestion naman ni Kurt na agad kong tinaasan ng kilay. "Ungas! Baka wala na yong hininga pagdating sa condo niya. Nakaka suffocate kaya pag nakasakay ka sa sasakyan ng taong kinaiinisan mo!" Sermon rito ni Zy na may kasama pang batok. Nailing na lang ako sa dalawa. Buti't hindi nagiging panadak tong si Kurt, laging nababatukan eh. "Joke lang naman eh. Si labs talaga!" Sabay yakap pa nito rito. I just rolled my eyes at them. Tamang landi lang eh nuh. "Hi there!" Naagaw naman ng atensyon namin nang matanaw namin ang nakangiting mukha ni Miss Quinn. Sa likod nito ay si Kuya Warren na kunot na naman ang noo habang kasunod naman niya ang couple na sina Ate Gab at Kuya Soren. "Congratulations to the both of you!" Masiglang bati ni Miss Quinn sa dalawa na halatang natutuwa din sa presenya nito. Hindi kasi halatang may friendly at energetic na side pala itong si Miss Quinn sa kabila ng pagiging sopistikada nito. Nasa likod parin nito si Kuya na kinamayan lang si Kurt. He always have a stoic face. He always bring a cold and superior atmosphere to everyone. Pero mukhang hndi nito tinatablan ng kapreskuhan ang soon to be fiance nya na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung official na ba talaga dahil wala pa itong opisyal na binibitawang salita sa lahat. Maliban siguro kay mama na hindi rin nagkwento kanina. "Thank you Miss Quinn. The honor is ours. Isang malaking pasasalamat po namin ang pagdalo niyo kasama si Mr. Warren." Sagot naman rito ni Zy. "Naku, wag mo nang isipin yon." Nakangiting sagot nito. "So you must be the famous sister of Warren, Attorney Aiko Snow!" Baling nito sakin na medjo ikinagulat ko. "Yes. Hi Miss Quinn, its a pleasure to finally meet you up close." Sagot ko rito. Hindi kasi kami nagkakilala kanina ng maayos dahil sa dami ng naganap. "The pleasure is mine too. You really have a very cold voice! Just like your name." Sagot nito na kinamayan din ako. "Thank you!" Medjo nahihiya ko pang sagot. "We must go Miss Quinn." Malamig na turan ni Kuya. Liningon naman ito ni Miss Quinn pero hindi ko alam kung namamalikmata lang ako dahil parang inirapan pa niya ito samantalang wala pa akong nakikilalang taong nagagawa iyon kay kuya. Ang taray ha. "I'll see u one of these days." Bulong pa nito sakin na halatang ayaw niyang iparinig kay Kuya Warren. Nginitian ko lang ito tsaka ito mabilis na umalis papunta sa sasakyang nakahanda na para sa kanila ni kuya. Hindi man lang niya ito hinintay. Ano kayang mayrun sa dalawang yon? At ano ung ibig sabihin ni Miss Quinn dun sa sinabi niya sakin? "Mauuna na din kami sa inyo." Paalam naman ni Kuya Soren kina Zyla habang magka holding hands sila ni Ate Gab. "Do you have a ride sis?" Nagtatakang tanong naman sakin nito. Kung si Ate Gab ang paguusapan ay medjo maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Iyon lamang ay may gap pa rin samin dahil hindi talaga kami close at wala pa akong naaalalang nagusap kami na tumagal ng kahit 15 minutes lang. Dahil siguro career centered talaga ito. Kung wala siguro si Kuya Soren ay baka kasing tigas na rin ng puso niya si Kuya. Sasagot sana si Zy para sakin ngunit biglang may nagsalita sa likod nina Ate Gab na ikinagulat ko. Andito pa rin pala ang lalaking to? "She's going to ride with me." Malamig na turan nito habang papalapit sa direksyon ko. Alam ko na siguro kung anong rason kung bakit mabigat ang atmosphere between Kuya Warren and him, pareho silang may cold side at authority kung magsalita kaya nagc-clash ang mga ito. Pero lamang pa rin sa kademonyohan ang isang to. "Oh Ace? Your still here pa pala? Kung ganoon ay ipapabuya ko na sayo si Snow. You two take care of each other." Sabi ni Ate tsaka sabay nang nagpaalam ang dalawa. No! Hindi pwede to! Ayoko! "Congrats again guys." Pahabol pa ni Kuya Sorren tsaka tuluyan na silang lumarga. Napasinghap nanaman ako ng biglang naglakbay ang kamay nito sa expose kong likod papunta sa aking baywang. "Are you ready to go home babe?" Tanong pa nito na ikinangiti pa ata ng dalawang may toyo na kanina pa pala nanonood samin sa di kalayuan. "Y-yes. Magpapaalam lang ako sa kanila" sabi ko pa rito pero sa totoo lang ay gusto ko na itong bigwasan! "No need snow! Sama ka na kay Ace!" Halos mapanganga ako ng ipangalandakan pa ako ni Zyla ng ganoon kadali. Kinilig lang ipapamigay na ako? "Kaya na namin to Snowman! Uwi ka na! Byee!" Aba't ginatungan pa ni Kurt! Ugh! Kung malapit lang sana ang condo ko rito ay baka nilakad ko nalang sana kaysa ang makasama ang lalaking ito pauwi! Baka kung ano nanamang naiisip nitong plano! "Shall we?" Tanong pa nito nang tuluyan nang makapasok sina Zy sa mansyon. Mangilan ilan na lang din ang natitirang guests sa paligid. Napatingin na lang ako sa langit dahil sa frustration at kaba. "I'm going to find a taxi nalang." Walang emosyong sabi ko rito tsaka humarap sakanya at lumayo para makawala sa kamay niya. Hindi ito nagsalita, nagulat na lang ako ng bigla nitong hinubad ang amerikina nito tsaka dahan-dahang lumapit sakin. Aatras pa sana ako pero pinigilan ako nito. "Don't move and stop resisting. Baka nakakalimutan mo ang mga napagusapan natin." Sabi nito habang nakatingin ng direkta sa aking mga mata. He's right. I am still in his evil game. Hindi ako kumibo at hinayaan ko na lamang ito sa gagawin niya. Lumapit itong muli sa akin tsaka marahang ipinatong sa likod ko ang kaniyang amerikana. "Let's go." Utos pa nito tsaka hinawakan ang kanang kamay ko habang diretsong nakatingin sa nilalakaran namin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa magkahawak naming mga kamay. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay. At isa pa, hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko'y nakukuryente ako sa mga hawak niya. Kung bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko dahil ba sa kaba o takot at kung pati rin ba siya ay nararamdaman ang mga ito. Nawala ang mga agam-agam ko ng huminto ang isang itim na sports car sa harap namin. Inabot sa kanya ng isang tauhan ang susi nito na kanya namang agad na tinanggap. Pinagbuksan pa ako nito ng pinto nung sasakyan niya. "Get in." Walang emosyon na utos nito. Napabuntong hininga na lang ako saka sinunod ang utos nito. Ano pa nga ba ang magagawa ko? "I don't understand everything Ace." I said breaking the silence between us. Tila nawala ang malambing nitong maskara kanina sa party at nagbalik ulit ang Ace na may mala demonyo ang aura. Nasa highway na ang sasakyan habang siya ay seryoso pa ring nagmamaneho. "You don't have to." Another cold answer from him without even looking at me. Binaling ko muli ang tingin ko sa daan tsaka bumuntong hininga. Wala akong mapapalang kausap ito. Hindi ko siya maintindihan, Kung parte ako ng plano ay dapat at least may alam ako sa binabalak niya. "We're going to discuss the case tonight." Bigla akong napatingin muli rito dahil sa sinabi niya. "What?! Hindi mo ba nakikitang galing tayo sa isang party?" Reklamo ko rito but I didn't see any hint of emotion on his face. "So?" Napabuga ako ng hangin sa sinagot nito. I cant believe it! Robot ba siya? Walang kapaguran? "Are you not tired?" Tanong ko rito na pilit pinapakalma ang boses. "No." Ang galing ng mga sagot niya! So precise! Mas cold pa sa pangalan ko. Tumahimik na lang ako tsaka hinintay ang pagdating namin sa condo ko dahil sa inis. Tiningnan ko ang relo ko at narealize ko na may isang oras pa bago kami makarating kaya pinikit ko mona ang mga mata. Mas mabuti sigurong mag relax mona dahil mukhang hindi nagbibiro ang lalaking to sa gusto niyang mangyari. "Hey..." May nararamdaman akong tumatapik sa pisngi ko pero hinampas ko lang ang kamay nito tsaka tumagilid mula rito. I heard someone chuckled but I didn't bother to see who dahil antok na antok na talaga ako. Sobra akong napagod ngayong araw na'to sa pagtulong kay Kurt. Pakiramdam ko'y lumutang ako ng ilang minuto tsaka naramdaman ang isang malambot na bagay sa likod ko na mas ikinaluwag ng pakiramdam ko. Naramdaman ako ng kakaibang lamig kaya nangapa ako sa paligid para humanap ng itatabon sa sarili habang di pa rin binubuksan ang mga mata ko. May nakapa akong isang tila at dahil mabigat na masyado ang mga mata koy hinila ko nalang ito basta-basta ng hindi tinitingnan atsaka tuluyang nakatulog nang maramdaman ko ang mainit nitong hatid sa katawan ko. Bahala na ang demonyong iyon. Basta matutulog mona ako sa sasakyan niya ng ilang saglit. Nagising akong may mabigat na nakadagan sa akin. Pagmulat ko’y bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaking payapang natutulog habang nakadantay ang braso nito sa tiyan ko. Ako naman ay parang komportabling nakayakap sa kanya na parang unan ko. Wala itong damit pang itaas. Kinusot ko ang mga mata ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko’y nanaginip pa rin ako. Ang huling naaalala koy nakatulog ako sa isang sasakyan. Pakiramdam ko pa nga ay nanaginip akong lumilipad papuntang kwarto ko. Mga ilang segundo sigurong nag-loading ang utak ko nang ma-realize ko kung gaano kadelikado ang kalagayan ko ngayon. “Oh my god!” bulalas ko na tuluyang ikinagising ng lalaki sa tabi ko. Napahawak ito sa ulo niya ng sandali bago napatingin sa direksyon ko. Nagkatitigan kami ng ilang saglit at sa sobrang kaba ko ay naitulak ito na naging dahilan nang pagkakahulog nito sa kama. “What the h*ll!” sigaw ko habang dali-daling hinihila ang kumot sa katawan ko para itago ang sarili ko. Laking pasasalamat ko ng makitang I’m still wearing my dress. “F*ck!” narinig kong daing nito. Kumapit mona ito sa dulo ng kama bago tuluyang tumayo. Kunot ang noo nito na halatang nasaktan ang balakang sa pagkakahulog nito. “What the f*ck is your problem woman?!” singhal pa nito habang sapo ang likod nito. “You!! Anong ginagawa mo rito?!” I shouted back at him. nahilot nito ang sentido niya tsaka napabuga ng hangin. “You should think twice woman before shouting at me.” Medjo kalmado nitong sagot. Nakita kong may pinulot siya sa sahig tsaka inihagis sa pagmumukha ko. Naiinis naman akong tiningnan ang isang itim na pulo na may malaking punit sa may laylayan at braso nito. “What’s this?!” tanong ko rito. Pero imbis na sagutin ako nito’y inagaw niya sakin ang nasira niyang damit tsaka nag walk-out palabas ng kwarto ko. “What the hell happened?” bulong ko sa sarili ko habang sinasabynutan ang sarili kong buhok in frustration. Yong suot at itsura ko magmula kagabi ay ganoon pa rin naman at wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko kaya imposibling may nangyari tsaka hindi naman ako lasing! Nakatulog lang naman ako! Tiningnan ko ang orasan sa dingding and I was surprised to see that it’s still 1:00am. Napahawak ako bigla sa bibig ko nang ma-realize ko ang nagawa ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinanap si Ace. I was a bit surprised when I saw him sitting on my kitchen while drinking some of my wine. “I hope you don’t mind.” Sabi nito while raising his glass. Paano ito nagiging ganito ka komportable sa loob ng pamamahay ko? He’s still half-naked habang nakasabit sa balikat nito ang nasira niyang damit. Parang hindi pa nahihiyang ibalandra sa harap ko ang proud nitong abs at matipunong mga muscles. I was almost distracted but I shook-off the though. “D-did I really did that to you?” I said awkwardly habang hindi makatingin sa mga mata nito. “Now you’ve remembered how you pulled my clothe and ripped it. You even enjoyed hugging me feeling like Im your pillow and blanket. You really have a strong grip for a woman. You never let go of me.” He said sarcastically na tuluyang ikinapula ng mukha ko. Direktang nakatingin ito sa akin na parang palihim na natutuwa sa naging reaksyon ko. Bakit ba palagi akong napapahiya sa harap nito? “Paano tayo nakarating sa Condo ko?” I said feeling like I wanna throw away myself to the building because of embarrassment. “That’s not important.” He answered coldly, ano pa bang aasahan ko? “Get changed. We still have something to discuss.” Utos pa nito na ikinabuntong hininga ko na lang. Bakit pakiramdam ko’y wala akong kapangyarihan sa sarili kong tahanan? “You haven’t forgot huh?” I said as I crossed my arms in front of him. “Don’t make me wait.” Dagdag pa nito na nagpabalik ng iritasyon ko rito. I just rolled my eyes as I went back to my room to get changed. He’s a demon! I washed my self first before changing into a formal office outfit. I am planning to go back to work after this. Nagtatrabaho pa rin ako tuwing sabado pero half day lang. Hindi ako pweding lumiban dahil hindi ko nasabihan ang secretary kong si Riley. Baka maaga iyong pumasok at maghintay sa wala. Hindi naman ako makaktulog ulit nito kaya maaga na lang akong papasok mamaya. Isasarado ko na sana ang cabinet ko nang maalala ang kasalanan ko sa lalaking iyon. I ripped out his clothe kaya nararapat lang na palitan ko ito. sumagi nanaman sa isip ko ang hubad nitong katawan na ikinailing ko na lang. I look for my Extra large size hoodie sweaters pero wala akong nahanap na matino. Bahala na siya, pwede ko namang kunin ulit kung di niya magustuhan. At bakit pa ba ako nagpapakabait sa demonyong yon? Bumalik ako sa kusina dala ang isang army green na hoodie at ang folder na alam kong ito naman talaga ang pakay niya. Sumasakit pa rin ang ulo at dibdib ko kapag naiisip kong kailangan ko itong ire-investigate ulit para sa taong ito. “You’re too long, so I made us some coffee.” Salubong nito sakin nang makita ako nito. He’s leaning at the counter at hindi nawala sa paningin ko ang pagpasada ng mga mata nito sa suot ko. He looked at me from head-to-foot na ikinaiwas ko ng tingin. Hinagis ko rito ang hoodie na nasalo naman niya. Mabigat na kamay kong nilapag sa mesa ang makapal na folder tsaka tumingin rito. “Let’s go directly to business Mr. Ace Ivanov. Hindi ito ang tamang oras para umaktong nagbabahay-bahayan.” I said as I saw him wearing my hoodie. I bet my lower lip nang makitang sumakto sa ito sa kanya na kapag ako ang magsusuot ay hanggang upper knee ko ito. I bit my tongue nang makita ang malaking Hello Kittie print nito sa harap. Napaiwas ako ng tingin dahil muntik na akong matawa. “You have a unique taste of clothes Attorney.” Pangaasar nito sa’kin. I looked at him with a dagger eye. “At hindi ako nagbabahay-bahayan. Hindi ko choice ang matulog sa condo mo. “ He look at me with an insulting eyes tsaka ito naupo sa harap ko. Wala akong choice kundi ang maupo sa tabi nito dahil baka ipahiya nanaman ako nito. I open up the folder and my laptop para simulan ang pagbabasa ng kaso. tahimik lang din ito habang inoobserbahan ang bawat galaw ko. Hindi mapigilang sumakit ang puso ko when I saw the familiar picture of a 16 year old girl. “She’s Syrah Potts.” I said half-heartedly as I swallow a lump on my throat. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa kanya. “Aside from being my classmate ay naging malapit kong kaibigan ito kasama si Zyla at ang pinsan kong si Athena.” I look at him pero wala akong nakitang emosyon sa mukha nito. Nakatitig ito sa larawan ni Syrah na parang malalim ang iniisip. “I was there when the accident happened 10 years ago…” I paused as I remember everything. “I was there and I saw everything but no one listened to me. No one believed me. Iyon din ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng sampal at masasakit na salita mula sa mga magulang ko.” Pinilit kong hindi manginig ang mga boses ko habang sinasariwa ang mga alaala noon. *FLASH BACK* “Snow!” isang matinis na boses ang umalingawngaw sa hallway habang patakbong papalapit sa direksyon namin sina Zyla at Syrah. Natatawang napatingin na lang kami ni Athena sa dalawa na mukhang may magandang balita base sa masiglang itsura ng mga ito. “Guess what?” Pagsisimula ni Syrah na medjo humahangos pa. “Hindi kami manghuhula Syrah Potts.” Natatawang sagot naman ni Athena. “sabihin mo na kasi Syrah! Dali!” sabi ni Zy na halatang mas excited sa lahat. “Mamaya na daw ang Final tournament na ng mga seniors sa Drag Racing nila!” nagtitiling sabi ni Syrah na ikinatuwa nilang lahat maliban sakin. “at may balak kayong manood?! Nasisiraan na ba kayo ng mga turnilyo sa ulo?” nakakunot ang noo kong singhal sa mga to na ikinasimangot lang nila. “Ang KJ mo talaga Snow! Ngayon lang naman eh! Hindi tayo nakapanood noong elimination round nila!” Syrah even pleaded, I just rolled my eyes at them. Nagpapa-cute kasi ang mga to’ sakin. “You know that its illegal right? At sa tingin niyo, paano tayo papayagan ng mga parents natin huh?” I added na nakapamewang pa. “Pagbigyan mo na si Syrah. Gusto lang naman nitong makita ang Kuya Warren mo.” Parang kinikilig pa na sabi ni Zy. Matagal na kasing crush ni Syrah si Kuya Warren na siyang kasali sa Drag racing mamaya. At ito namang si Zyrah ay kaya kasamang namimilit dahil nanonood din ang crush nitong si Kurt Dela Cuesta na kasamang ring manonood ang matalik na kaibigan nitong si Kuya Klause at Kuya Soren na nangungunang drag racer na manliligaw naman ni Ate Gab. What a small world right? “Tsaka hindi naman natin sasabihin na aalis tayo para manood sa drag racing. Come on Snow! Sabado naman bukas! Ako na bahala magpapaalam kina Tita! Sasabihin kong mag hang out tayo sa bahay!” Gatong pa ni Athena na ikinakunot ng noo ko. Napasapo na lang ako sa ulo ko sa mga pinagsasabi nila. Isa pa itong si Athena eh! May crush din doon sa drag racing na isa sa makakalaban nina Kuya Warren at Soren. “Aalis na ako. Bye!” I said at akmang tatalikod na sana ng hilahin nila akong tatlo. “Snowww!” sabay-sabay pa nilang sigaw. “Hindi pwede! Papatayin ako ng mga kuya ko kapag nakita nilang andun ako! Alam niyo naman din siguro kung paano magalit si Papa diba? Baka madamay pa kayo sakaling may mangyaring masama satin. “Ang nega mo talaga Aiko! Walang mangyayaring masama satin! Trust us!” sabi pa ni Zy habang kinikiliti ang tagiliran ko. Wala akong magawa kundi ang pumayag na sumama ng gabing iyon na siyang malaki kong pinagsisisihan. “Dalian mo Snow!” hila sa akin ni Syrah na halatang excited. Mabilis kaming nakapuslit kami sa venue ng Drag race nang hindi napaghihinalaan dahil binayaran ni Athena ang gwardya at nag disguise pa kami para hindi mahalatang under age pa kami. Malayo pa lang ay naririnig namin ang sigawan ng mga manonood at ang malalakas na tunog ng mga sasakyang nag uunahan sa isang napakalawak na bakanting lote. “Ken? What the heck are you doing here?” narinig kong sigaw ni Zyla sa taong nakasalubong naming. Agad namang napatingin sa akin sina Athena at Syrah ng makilala naming ang kausap ni Zy. Kaklase ito ni kuya Klause at alam ng mga kaibigan kko na may crush ako rito. “Hindi bawal magsaya! It’s Friday night dear cousin!” masiglang sagot ng pinsan nito. “Oh Hi there Aiko!” bati pa nito sa akin ng mapansin niyang magkakasama pala kami. Sa lahat ng tao sa school ay siya lang tumatawag sakin ng Aiko. Everyone knows me as Snow. “H-Hello.” Sabi ko pa na medjo nahihiya. Hindi nakatakas ang gilid ko sa pasekretong pagkiliti sakin ng dalawa kong kasama. “Ako dapat ang nagtatanong niyan sa inyo. Anong ginagawa ng mga minors na tulad niyo dito huh?” naramdaman ko ang paglunok ni Zyla. Para kaming mga daga na nahuli ng pusa. “Uhmm.. A-ano k-kasi.. Si Snow eh!” lumaki bigla ang mga mata ko nang ako ang iharap ni Zyla sa pinsan niya. Nagawa pa nila akong iwan matapos bulungan ng ‘Good luck!’ “this is not my plan.” I said habang di makatingin ng maayos rito. “I know. Don’t worry, para sa’yo ay hindi ako magsusumbong. Ingat ka na lang dahil lahat ng mga kapatid mo ay nandito. Even Gabriella.” Nakangiting sabi nito habang sabay kaming naglalakad papasok sa loob. Ang tatlo kong traydor na kaibigan ay tuluyan na akong iniwan. “T-Thanks Ken!” I said na kinakabahan pa rin. Natakot rin ako na pati si ate Gab ay nandito. Nakakapagtaka lang dahil hindi siya mahilig sa mga ganitong bagay. Pero bigla ko rin naman naisip nab aka dahil kay Soren kaya siya narito. Parehong nakuha ng atensyon naming ang mas lumakas na sigawan ng mga manonood. Bigla akong nakaramdam ng dobling kaba ng marinig kong isinisigaw ng mga tao ang parehong pangalan nina Syrah at Kuya Warren. Halos manlaki ang mga mata ko pagkarating namin sa Arena. Sobrang daming tao at karamihan ay mga elite students ng school pero agad kong nahanap ang mga kasama ko. Laking pagtataka ko ng wala si Syrah. “Where’s Syrah?” pagtataka ko sa mga kaibigan ko pero lahat sila ay mukhang kinakabahan. “Warren’s friend saw us. They know that Syrah likes him kaya may nabuong Dare sa kanila. Bawat driver ay may sakay na babae, and they dared Syrah and Warren to ride together.” Kinakabahang paliwanag ni Athena. Bigla akong pinagawisan ng malamig. Alam ni Kuya na hindi kami naghihiwalay na apat, kung andito si Syrah ay malamng magkakasama kaming apat. Pero ang isa pang ipinag aalala ko ay kung bakit ito pumayag na isakay si Syrah? I know him! he knows how dangerous this is! *END OF FLASHBACK* “Hindi na sana ako pumayag. Hindi ko na sana hinayaang makumbense nila ako noong mga panahong iyon. Edi sana buhay pa siya, edi sana buhay pa si Syrah hanggang ngayon.” I said habang piniigilan ang pagtulo ng mga luha ko. I look at him and he just stared at me. Nagulat akong ng may makita akong emosyon sa mga mata nito at hindi ko maintindihan kung para saan iyon. I was surprised when I felt his hand on my right cheek. Pinunasan nito ang luhang hindi ko inaasahang tutulo mula sa mga mata ko sa kabila ng pagpipigil kong maiyak. “Are you really Snow that Syrah has been talking about all this time?” makahulugan nitong tanong habang nakahawak pa rin sa pisngi ko. “Hindi kita maintindihan. W-What do you mean?” I look at him directly in the eye pero siya ang unang umiwas. “We’ll continue this some other time.” He said as he stood up leaving me hanging. - END OF EP. 6
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD