Nagulat si Riley nang makita niya akong papasok sa pintuan ng opisina. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating ko. Hindi na rin ako nagulat. Everyone is expecting my absence today but I cant help but to come to work.
“Just beep me Riley kung may darating for personal appointments.” Sabi ko rito bago siya tuluyang lumabas sa opisina ko.
Pilit kong binabasa ang mga cases na nasa desk ko pero walang pumapasok sa utak ko at pakiramdam ko wala akong maintindihan. What Ace have said to me is still bothering me very much magmula noong iwanan niya akong tulala. Mas lumakas ang kutob kong may koneksyon talaga ito for what happened 10 years ago.
*FLASH BACK*
I saw how nervous Syrah is as the crowd roared cheering everyone on the field waiting for their cars to line-up below para makasakay na ang mga driver at ang mga dared navigators nila na pawang mga babae. Si Syrah lang ang pinakabata sa kanilang lahat. Pati kaming tatlo ay nanlalamig para sa kanya.
I saw Kuya Warren standing tall and cool among them all, siya ang may pinakamadaming fans sa lahat being the child prodigy and popular student at school. Wala itong hindi kayang gawin. A very suitable heirs kagaya nga ng sinasabi ng karamihan. I saw him tapping Syrah’s head as if comforting her and giving her a good luck na ikinapula naman ng pisngi nito. My brother maybe looks cold pero gentlemen ito sa mga babae. Ito minsan ang kahinaan niya maybe because he’s being pampered with Mom’s gentle care dahil panganay ito. Hindi lang halata dahil mas pinapakita nito sa mga tao ang paraan ng pagpapalaki sa kanya ni Papa, always with pride and authority among others.
Malayo sila sa amin kaya kahit magsisigaw kami ay hindi kami nito maririnig, idagdag mo pa ang cheers ng crowd.
“This can’t do! I need to stop this insanity! May oras pa para pigilan si Kuya!” I said to them pero hinila lang ako ni Athena.
“He won’t listen to you Snow! Sinubukan ko siyang pigilan pero alam mong ma-pride yon! Lalo na’t sina Marc at Alfonso ang nag dare sa kanya. Mahigpit niyang kakompetensiya ang mga yon!” nakikita ko rin ang nerbyos sa kanila ni Zyla pero gusto ko lang subukan. Bahala nang isumbong niya ako kay Papa, bahala nang ipadala nila ako sa state. Gusto ko lang na hindi madamay si Syrah.
She’s really a very good and innocent friend of ours. Alam din nila iyon. Kahit sinasabi ng ibang tao sa school na hindi namin siya kauri ay naging malapit pa rin ang loob namin sa kanya. She’s really a true friend.
Naninilbihan ang pamilya nila kina Alfonso Garcia bilang tagapangalaga ng mga lupain at mansion ng mga ito kaya doon na din sila nakatira ng pamilya nila. Lima silang magkakapatid pero siya lang ang binigyan ng mga Garcia ng pagkakataong makapagaral sa prestihiyosong paaralan na ito na pagmamayari ng pamilya namin. Every other students bully her but we always stood beside her as her bestfriends.
“Bahala na! Ayaw kong masayang ang mga pinaghirapan ni Syrah just because of this stupid game!” I said as I remove Athena’s hand on my arm. Bumuntong hininga na lang ito. Alam niyang kapag nagdesisyon ako’y pinaninindigan ko ito.
“This is all my fault. Hindi ko na sana kinonsente ang ideyang magpunta pa rito.” Sabi pa nito. Kalungkutan at pangamba ang sumalamin sa mga mukha nila ni Zy.
“This is no one’s fault. This is our choice. I gotta go!” I finally said leaving them in the ramp.
The field has a fence separating the audience and the racers na nakatayo sa mga oras na to sa baba. I have no choice but to walk around the fence para makarating sa field na kinatatyuan nina kuya at ang iba pang mga racers.
Nakarating na ako sa tila garage nila kung saan nakapark ang mga magagarbo at mamahaling sasakyang gagamitin ng mga racers. May mga inutusan pa silang mga tao at ang iba ay mga estudyante para linisan ito at ilagay sa tamang kondisyon. Pinaghandaan talaga nila ang gabing ito.
I saw a familiar dark blue mustang. It’s Kuya Warren’s sports car pero di ko nagustuhan ang mga narinig ko sa di kalayuan. I saw Marc talking to someone, at parang nababasa ko sa mga mukha nito ang masama nilang balak.
“Ayos na ba bro?” Akbay pa nito sa taong inutusan. Hindi nila ako napansin na nakatayo ilang metro ang layo mula sa likod nila.
“Oo. Sigurado na ang panalo ni Alfonso.” Nakita ko ang mga ngisi ng mga ito bago tuluyang naghiwalay.
No! Hindi! Sigurado akong masama ang mga balak nito. Sisigaw na sana ako para pigilan ang mga to’ pero huli na ang lahat. Tuluyan na nilang dinala ang mga sasakyan sa field kung saan naghihintay ang iba pang racers.
Gusto ko nang maiyak! Nakita ko ang dali-daling pagsakay ng mga driver sa bawat sasakyan ng mga ito. The crowd roared for another excitement. Wala silang kaalam-alam kung anong totoong mangyayari.
Tumatakbo ako nang marinig ko ang malakas ng putok ng gun starter, hudyat na opisyal nang nagsimula ang karera.
“Kuya! Syrah!” kahit magsisigaw ako’y huli na! Huli na ang lahat! Nag uunahan na ang mga sasakyan sa field.
Naginit bigla ang kalooban ko at hinanap ang sira ulong gumawa ng kademonyohan sa sasakyan ni kuya and I saw him laughing with other guys na tila may alam din sa mga mangyayari.
“What did you do?!” nanggigigil kong tinulak si Marc. Sa sobrang lakas ng galit ko’y natumba ito. Nagulat naman ang mga kasama nito na tila natahimik sa munting pagbubunyi nila.
“What the! Ano bang problema mo bata!” sagot pa nito nang tuluyan na itong patayuin ng mga alipores nito.
“That’s Snow bro! Warren’s sister.” Dinig kong bulong rito ng alipores nito na ikinangisi lang niiya.
“You saw it huh?” natatawang sagot pa nito na tila wala lang sa kanya ang nalaman kong pangsasabotahe niya.
“Anong ginawa mo sa sasakyan ni Kuya?!” sabi ko na akmang susugod pa sana ulit pero may pumigil sa akin. It’s Ken holding my arm na tila nagtatagis ang mga bagang nito. Kasunod niyang dumating sina Athena at Zyla. Napalingon naman ang ibang mga taong nandoon. Hindi ko rin inaasahan ang pagdating nina Kuya Klause at Kurt pati na rin si Ate Gabriella. Great! What a reunion!
“Anong nangyayari dito?” seryosong tanong ni Ken habang hawak pa rin ang braso ko na nagngingitngit nang sapakin si Marc na tila natutuwa pa sa nakikita niya.
“Snow?” Gulat na sabi nina Ate at Kuya Klause. Kinakabahan at tahimik lang na nanonood samin sina Athena. We are busted at nasangkot pa ako sa gulo.
“Great! The whole elite squad is here!” sarkastikong tawa pa nito na nagpapikon sa mukha ni Kuya Klause.
“What did you do to my sister you assh*le!” kinwelyuhan nito si Marc na tila natauhan at nakita ang takot sa mukha nito. Biglang nawala ang yabang sa mukha nito.
“Hindi sa’kin Kuya! Sa sasakyan ni Kuya Warren!” halos maluha-luha kong sambit rito na ikinakunot ng noo nito. Nabitawan nito ang kwelyo ni Marc at humarap sakin.
“What do you mean?” bakas ang kaba at pagaalala sa mukha nito.
“I went here cause’ I saw him did something to Kuya Warren’s car bago ito dalhin sa field. Gusto ko sanang pigilan si Kuya Warren but its too late! Nakaalis na ang sasakyan nito at sakay pa nito si Syrah!” naiyak na ako ng tuluyan at nawalan ng lakas. Hinawakan ako ng maayos ni Ken para hindi tuluyang matumba. Agad namang dumalo sina Athena at Zy para alalayan ako. Naiiyak na din ang mga ito dahil sa mga narinig nila.
‘Sh*ts!” narinig ko pang mura ni Kurt na hindi din makapaniwala sa narinig nito.
Napatili nalang si Ate Gab ng tuluyang suntukin ni Kuya Klause si Marc. Tuluyan na itong natumba sa lakas ng pagtama ng kamao ni Kuya sa mukha nito.
“Klause!” sigaw ni Ate Gab pero hindi na niya ito napigilan. Tuluyan na silang nagrambulan dahil sumaklulo ang ibang mga kasama ni Marc. Pati sina Ken at Kurt ay nakisali na rin sa away. Wala akong magawa kundi ang umiyak habang pinipigilan ng mga kasama kong babae ang suntukang nagaganap sa harap ko.
I was so weak back then. Very weak that I can’t do nothing but cry on my knees. Akala ko malakas na ako ngayon pero parehas pa rin pala ang epekto nito sa akin hanggang ngayon. Walang luha pero masakit pa rin.
Humupa lang away ng mga ito ng marinig namin ang paglakas ng cheer ng mga tao sign na natapos na ang karera. Nanalo si Kuya Soren at pumapangalawa rito si Kuya Warren. But something weird happened. Nabaling ang lahat ng atensyon namin sa field. Tumigil na ang lahat ng sasakyan pero ang kay kuya Warren ay tuloy-tuloy pa rin sa mabilis nitong takbo.
It felt like everything went slow. Nagpageywang-geywang ang sasakyan ni Kuya Warren hanggang sa bumangga ito sa semento at bumaliktad sa ere.
Para akong nabingi sa mga oras na iyon. I saw a great horror on everyones faces. Mabilis na tumakbo sina Kuya Klause sa direksyon ng pinangyarihn ng aksidente habang nanginginig ang kamay ni Ate Gab para tumawag ng tulong sa cellphone nito.
“Syrah…. Kuya Warren….” Ang tanging naibulong ko sa hangin ng tuluyang magdilim ang paningin ko sa mga oras na’yon.
*END OF FLASHBACK*
Halos tumalon ang puso ko ng biglang tumunog ang intercom ko. Tuluyan nitong ginising ang paglalakbay ng isip ko. Opening that file and talking about it with someone made me remember everything. Matagal ko na itong kinimkim at sa unang pagkakataon ay nailabas ko ito sa hindi ko inaasahang tao.
“Attorney?” dinig ko ang boses ni Riley sa kabilang linya.
“Yes Mr. Fynx?” sagot ko rito trying to go back to reality.
“Miss Quinn is here to see you for an appointment. Papapasukin ko nap o ba?’ sandal akong natigil sa sinabi ni Riley. I am surprised to see her so soon. Mukhang ito na siguro ang tinutukoy niya noong nagkausap kami sa party.
“Escort her in Riley please.” I said nang makarecover ako sa gulat. Pinagbukasan ito ni Riley ng pinto. He escort Miss Quinn to a vacant sofa inside my office. Tumayo naman ako para salubungin ito tsaka hinalikan ito sa pisngi.
“Hi Attorney!” masiglang bati nito sa’kin. “I hope you don’t mind me barging in. hindi kita nainform ahead dahil wala akong numero mo. Ayoko namang kunin kay Warren dahil masyadong seryoso yon sa buhay. Sobrang KJ niya alam mo ba yon?” Medjo natawa ako sa sinabi nito. Natutuwa ako sa pagiging straight forward nito pagdating kay Kuya. Piling tao lamang ang kayang magsilita ng ganoon sa kanya. I’m already liking her. She’s really unique.
“I figured. May sariling mundo talaga yon.” Natatawang sagot ko rito. “So what made you come here Miss Quinn?” I said as I sit in the sofa across her.
“We’ll magkapatid talaga kayo. Masyadong direct to the point sa business. Alam mo bang walang karoma-romantic ang pagporopose nun? Ugh! Muntik ko na ngang tanggihan eh!” reklamo pa nito na tuluyan ko nang ikinatawa. Hhindi ko alam na madaldal din pala ito.
“You really are something Miss Quinn. Hindi na ako makapaghintay na palambutin mo ng tuluyan ang puso ni Kuya Warren.” Masiglang sagot ko rito.
“Kaya ako nandito dahil doon. Alam mo naman sigurong fixed marriage ang lahat diba? Walang romantic affiliation ang lahat. Kaya gusto kong gawan mo ako ng contrata.” Sabi nito na ikinagulat ko.
“Sa pagkakaalam ko’y may kontrata nang nabuo sa inyo bago pa maganap ang proposal niya sa’yo.”
“No,iba yon. More on business type yon na kontrata. This time, it’s more personal at alam kong pareho kaming makakabenefit nito.” Paliwanag nito may naglalarong ngisi sa kanyang mga labi. “So, are you in Attorney Snow?” she said as she offer her hand for a deal. Parang naiisip ko na ang gusto nitong ipahiwatig at mukhang magugustuhan ko ito.
“I’ll prepare my laptop and pen for this.” I answered as I shook her hand with the same smile on her face.
“Great!” She said with a glee.
- END OF EP 7