RANDOM GUY - EP. 8
Natatawa ako kapag naiisip ko ang mga conditions na inilagay ni Miss Quinn sa Personal contract na ginawa niya para sa kanila. Some are very childish, very unexpected sa isang tagapagmana ng sikat na Cosmetic company sa mundo. Iwan ko na lang kung hindi a mafo-fall si Kuya Warren sa mga patibong niya. Tinawag pa niya itong Operation: Palambutin ang pusong bato ni Warren Miles. It really made my day sa kabila ng mga problemang iniisip ko.
Pero bigla akong napaisip sa huling bagay na sinabi sakin ni Miss Quinn kanina.
“You know what, Warren is really fond of you.” She said na ikinatigil ko.
“P-paano mo naman nasabi yon?” I said with an awkward smile on my face.
“Palagi ko kasing kinukuliy yon na magkwento tungkol sa inyo na mga kapatid niya. Nagsasawa na ata sa kakulitan ko kaya wala siyang magawa kundi ang magkwento hangga’t hindi ako satisfied.’ Medjo natawa ako sa sinabi nito. Kaya talaga nitong palabasin ang ibang side ni Kuya. “Pero alam mo kung sino madals niya ikwento? Ikaw. Nagkukwento siya tungkol kina Klause and Gab pero ikaw yong pinakamadalas. He’s fond how independent, strong and free you are kaya nagka interes din ako sayo.” Mahabang paliwanag nito na tuluyang nagpatigil sa iba pang sasabihin ko.
Kanina pa nakaalis si Miss Quinn pero di pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi nito. Nakakapagpabagabag. (sinong nabulol? Hahaha!!)
“Attorney?” napatingin ako sa mukha ni Riley na nakadungaw sa may pintuan.
“Yes? May last minute client ba tayo ngayong araw?” I told nang tuluyan na itong pumasok sa opisina. Sumulyap ako sa relo ko at limang minute na lang ay lunch na. half day lang dapat ako ngayon.
“Wala na po so far Attorney. Magpapaalam lang po sana ako ng maaga. May lunch date po kasi ako ngayon.” Medjo nahihiya pa nitong sabi habang napapahawak sa batok nito. Nakakatuwa talaga ang sekretarya kong ito.
“Amoy na amoy pag-ibig ka Riley. Sana all.” Biro ko pa rito na ikinatawa lang namin pareho. “May date kayo ni Janina nuh?” pangaasar ko pa dito.
“Paano niyo po nalaman ang pangalan niya?” halata ang gulat sa mukha nito na ikinangiti ko.
“Nakita ko minsan sa notebook mo. Sa sobrang bored mo siguro ay ginawa mo nang calligraphy ang pangalan ng jowa mo. Kalian mo kasi siya ipapakilala sakin ha?” panunukso ko ulit dito. Wala na talaga akong mapagtripan at itong sekretarya ko pa ang napagdiskitahan ko. Ganoon talaga ako kapag maraming problema, dinadala sa panunukso sa ibang tao.
“S-sorry po Attorney..” paumanhin pa nito. Wala na talagang mas gaganda sa sekretaryo ko ngayon. Napakagalang at simple.
“Walang problema, sige na lumayas ka na bago pa kita iwan dito para mag overtime.” Nakita ko ang pagaliwas ng mukha nito dahil sa sinabi ko.
“Thank you Attorney!” sabi nito tsaka dali-daling umalis para magayos ng mga gamit niya paalis. Napailing na lang ako sa excitement sa mukha nito. Hay! Pagibig! Nasan ka na?
“Ay! Pagibig!” nasigaw ko nang biglang mag ring ang cellphone ko. Napakamagugulatin ko talaga sa mga nakalipas na araw. Masyado na akong nas-stress.
“New number?” pagtatako nang makita kung sino ang tumatawag sakin. Pinindot ko na lang ang answer button tsaka ito sinagot.
“Hello?” sabi ko rito. Mga ilang Segundo siguro ang lumipas bago magsalita ang tao sa kabilang linya.
“Its me.” Napakunot ang noo ko nang marealize kung sino ito. Hindi ko maintindihan ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. It’s the first time he called. Paano niya nalaman number ko? Oh, I know, he has plenty of ways. Napatikhim mona ako at napaayos ng upo bago ito kausapin ng maayos.
“What do you want?” I said trying hard not to stutter.
“Kumain ka na?” muntik na akong mapangiti sa tanong nito. I bit my lower lip para mapigilan ang ngiting namumuo sa aking labi. Ano bang nangyayari sakin?
“H-hindi pa.” Shocks! Hindi ko na talaga napigilan ang mabulol.
“Don’t forget to eat.” Malamig na sagot nito tsaka ibinaba nang tuluyan ang tawag nito.
Napatitig ako ng ilang saglit sa kawalan bago tuluyang maibaba ang cellphone ko. Hindi ko na napigilan ang munting tawang lumabas sa aking bibig.
“What was that for?” bulong ko sa hangin tsaka napasabunot sa buhok ko. Ugh! Nababaliw na ako sa’yo Ace Ivanov! Hindi to dapat! He’s a criminal!
Muntik ko nang mabitawan phone ko ng bigla na naman tong mag ring. Napahinga ako ng maluwag nang makitang si Ate Miley pala ito.
“Hey Snow!” masiglang bati nito.
“Oh? Ate Miley? Wassup?” Pabirong sagot ko rito na ikinatawa niya.
“May gagawin ka? Diba half day ka kapag sabado? Samahan mo akong kumain sa labas.” Utos nito na nagpangiti sakin.
“Libre mo?” biro ko rito pero tinawanan na naman ako.
“Ako pa talaga ha! Oo na sige na, halika na dito sa mall! Text na lang kita san floor ako okay?” sabi nito tsaka binaba ang tawag nito.
Nasa parking lot ako nang makita ko ang isang itim na sports car. Hindi ko na sana ito papansinin dahil marami naman talagang itim na sports car sa mundo at imposible sigurong siya iyon. Pero nagulat ako nang biglang bumusina ito sa harap ko na nagpatigil sakin sa paglalakad papuntang sasakyan ko.
I waited for a moment bago tuluyang lumabas ang taong nasa driver seat nito. Nagulat ako na nandito ito, parang kanina lang ay tumawag ito sakin. Is he here all this time waiting for me? Hindi Snow, bawal ang assuming ngayon.
“Ace?” I said nang tuluyan na itong makalapit sakin. He’s wearing a white polo inserted on his dark blue jeans. He looks like a bachelor today at hindi a rin nawawala ang mga mata nitong lagi kong nahuhuling nakatitig sakin. His outfit had emphasized how good his body built and height.
“I came by to give this back to you.” He said handing me a white paper bag. Tinanggap ko ito at tiningnan kung anong nasa loob nito. Its my army green hoody na may hello kitty print.
“O-okay.” I said awkwardly. Nagkatitigan pa kami ng ilang saglit pero ako na ang unang umiwas. Hindi ko alam kung anong sasabihin rito nang maalala ang nangyari earlier this morning. Marami akong gustong itanong rito but I feel like hindi ito ang tamang oras para pagusapan yon.
“I should go. Ate Miley is waiting for me.” I said bago tuluyang tumalikod mula rito. Tiningnan lang ako nito habang papasakay ako sa sasakyan ko. It feels like may gusto itong sabihin pero hindi niya masabi.
Nakatanaw lang ito sa sasakyan kong unti-unting lumalayo sa kanya. It reminded me of the first time I saw him in this parking lot. He looks creepy that time, malaki ang pagkakaiba nito sa itsura niya ngayon. Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kaharap siya? Hindi ko maintindihan ang sarili kong damdamin.
“Galing ako sa OB kanina, and the Doctor said that I’m 2 weeks pregnant.” Nanlaki ang mata ko sa mga salitang lumabas sa bibig ni Ate Miley. Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa mall.
“What?! Sinong Ama?” Muntik na niya akong batuhin ng tissue dahil sa reaksyon ko.
“Sira ulong babaing to! Syempre, sino pa nga ba eh di si Kuya Klause mo! May iba ka pa bang naiisip na naging boyfriend ko bukod sa kanya?!” she rolled her eyes at me. Hindi ako makapaniwala.
“P-paano? Hindi ba’t kakarating mo lang kahapon galing Japan?”
“Weeks bago matapos ang training at laban ko sa Japan ay dumating ito doon. Sinundan niya ako para makipagbati. Hindi na niya natiis ang isang taon na hindi ako nakikita. Nag away kami, we both got drunk hanggang sa mangyari ang hindi naming inaasahan. Ako ang unang umiwas. Hindi ako nakipagkita sa kanya ng ilang araw bago matapos ang tournament until nagcross nga ang landas naming kahapon. Hindi nga ako makapaniwala na buntis ako, not until last night. Imagine nabalibag ko pa ang kuya mo?” mahaba nitong paliwanag na ikinatulala ko ng ilang Segundo. Tuluyan na niya akong binato ng tissue dahil sa naging reaksyon ko.
“Hoy! Natulala ka jan?” natatawang sabi pa nito. Pinulot ko pa ang tissue at binalik sa kanya pero naiwasan lang niya. Ang bilis talaga ng reflexes, palibahasa karate kid!
“Pero teka, okay lang sa’yo?” paninigurado ko pa rito.
“At first naiyak ako sa gulat. Maging si Klause kinabahan, pero noong natanggap na naming, grabe, sobrang saya pala. Imagine, magkakaanak na kayo ng taong mahal mo?” nakikita ko nga sa mga mata nito ang tuwa at pananabik. Napangiti na lang ako dahil dito, akala ko kasi mag hi-hysterical ito sa harap ko.
“oh my gosh, magkakaroon na ako ng pamangkin!” nabulalas ko sa tuwa na ikinatawa lang nito.
“Paano yong gym mo at mga trainees mo?” I said while eating my food nang dumating na ang order namin.
‘Darating si Athena, don’t worry, Silver medalist iyon. Sa kanya ko mona ipagkakatiwala ang gym.” Typical na sabi nito na nagpatigil sakin sa pagkain. Hindi na din kasi bag okay Ate Miley ang mga kaibigna ko, nagulat lang ako dahil ngayon lang uuwi si Athena pagkatapos ng nangyari 10 years ago.
Ipinadala siya Japan after that incident at doon pinagaral dahil sa galit ng mga magulang niya. While ako naman pinagaral nga sa states pagkatapos ma-grounded ng halos dalawang buwan. Doon ko natapos ang kurso kong law. Umuwi din ako agad pagkatapos ay dito sa Pinas nagpatayo ng opisina ko. First few months may koneksyon pa kami hanggang sa kalaunan ay nawala din.
Patapos na kaming kumain ng dumating si Kuya para sunduin si ate Miley. Ang lawak ng ngiti nito, abot hanggang bunbunan!
“Hi bud!” unang binati nito ang kaniyang soon to be misis tsaka tumabi rito. “Hi sis! Anjan ka pala?” biro pa nito sakin kaya binato ko ng lettuce galing sa kinakain ko.
“Kaw kuya ha! Porke’t magkakaanak ka na ganiyan ka na sakin! Ako dapat tawagan niyo kapag magbabantay ng bata ha, gusto kong masaksihan din ang milestone ng anak niyo! Teka, kalian ba kasal?” excited kong sabi rito.
“Bawal ang panget na baby sitter, tsaka may jowa ka na, siya na lang alagaan mo!” sabi pa nito tsaka pinagtawanan ako ng dalawa. Pinagkakaisahan ako?
“Wala namang totoong kami.” Bulong ko sa sarili ko na buti na lang at hindi nila narinig. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng disappointment nang marealize ko iyon.
“Two weeks from now ang kasal. Simpling garden wedding lang. Nagkausap na sina mama at ang Tita..” Kaya pala tuwang-tuwa ang Mang Thomas na to. Malapit nang bumukod.
“Bilis ah!” biro ko pa sa kanila.
“Tong si Tomas naninigurado eh. Noong nahilo ako kagabi ay pinag PT ako? Tapos noong nag positive daig pa ang reporter sa kakabalita sa Mama niyo. Hindi ko ini-expect na matutuwa ito.” Biro pa ni Ate Miley tsaka naglambingan ang dalawa sa harap ko. Ang tamis eh. Nauumay na ako.
“Excited na din kasi yon sa apo. Si Warren kasi ang tigas ng puso, si Gabriella naman hindi ko alam kung anong level na sila ni Soren.” Dagdag pa ni kuya Klause. Di halatang excited.
“But I’m really happy for the both of you. Buti na lang at napagod akong maghanap ng irereto kay Kuya Klause, ikaw lang pala ang hinihintay nito.” Nakita kong siniko ni Ate Miley si kuya sa sinabi ko. Kunware nagtatampo.
Umuwi ako sa condo ko na nakangiti. Sandal nitong napawi ang lungkot na naramdaman ko kaninang umaga. Alas-nuwebe na nang dumating ako dahil naging mahaba pa ang usapan naming tatlo tungkol sa kasal nila.
Mukhang mauunahan pa nila si Zyla dahil sa isang buwan pa ang plano ng mga ito noong tumawag kanina. She even teased me na uuwi daw si Ken one of these days para sa kasal niya pero di niya tinuloy nang maalalang may Ace na daw pala ako.
Nag grocery din ako kaya ako natagalan. Madami ang tao dahil weekends.
Alas-onse na nang natapos ako sa gawain. I went to my sala to study some of the cases Im handling nang biglang may nag buzzer sa pinto ko.
Agad ko itong pinuntahan at lakig gulat ko ng bumungad sa akin ang masiglang mukha ni Ken Montefalco.
- END OF EP. 8