Ibinaba siya ni Wolfe. Muntik pang mabuway sa pagkakatayo si Tahti, sapagkat nanlalambot pala ang mga binti niya. Iyon ang epekto ng senswal at erotiko nitong pag-angkin sa mga labi niya. “Maghubad ka,” utos nito sa kanya, habang ang mga kamay nito ay isa-isa ring hinuhubad ang mga suot nitong damit. Hindi huminto sa paggalaw ang mga kamay nito hanggang sa wala na itong natirang suot pang-itaas. Kitang-kita ni Tahti ang matitigas na muscles ni Wolfe sa tiyan. His six-pack abs were chiseled to perfection, and the sculpted lines of his obliques traced down his torso. Malapad din ang dibdib ng lalaki at ang linya ng mga balikat nito. Kay tatag nitong pagmasdan, parang pader na hindi matitibag. “Huwag mong aksayahin ang oras kakatingin lang sa katawan ko, Tahti. Hubarin mo ang lahat ng suo

