CHAPTER 10

2145 Words

Napaigtad pa si Tahti nang ihagis sa kanya ni Wolfe ang mga hinubad niyang damit kanina sa sala. Dinampot niya ang mga iyon gamit ang nanginginig at nanlalamig niyang mga kamay. Nakaupo pa rin siya sa ibabaw ng kama, nakayuko ang ulo. Nahihiya siya kay Wolfe, at nagtutumimo sa utak niya ang halik na ipinatikim nito sa kanya. “Magbihis ka na. May naghihintay na sa iyong kotse sa labas. Ihahatid ka sa Gaston Hotel.” Doon palang siya napatingala sa lalaki. “S-sa hotel ho?” “Gusto mo bang umuwi sa bahay n'yo, kahit may mga taong nag-aabang sa iyo roon?” payak na tanong sa kanya ni Wolfe. Tuwid ang anyo ng mukha nito. Si Kabral at ang mga kasamahan nito! Nang bumalik sa gunita ni Tahti ang hitsura ni Kabral ay bigla niyang natutop ang bibig, dahil parang may humalukay sa sikmura niya. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD