Matagal na hindi makuhang umimik ni Tahti. Paano’y ramdam na ramdam niya ang init ng kamay ni Wolfe na nakasapo at nakapisil sa panga niya, habang ang mga mata nitong nakapukol sa kanya ay tila may ipu-ipo ng malapot na apoy. “Sir Wolfe...” “Come with me,” maigting nitong utos sa kanya, sabay tiim-bagang. Hinawakan nito ang kamay niya at kinaladkad siya paakyat ng hagdan, patungo sa ikalawang palapag ng mansiyon. Sa tahimik na pasilyo ay umaalingawngaw ang tunog ng mga yabag nila. Halos hindi makaagapay si Tahti sa laki ng bawat hakbang ni Wolfe. Dalangin niya lang na sana ay hindi siya madapa, at huwag magkanda-salabid ang mga paa niya. Dinala siya ng ‘asawa’ sa tapat ng malaking solidong pinto na gawa sa matibay na kahoy. May nakaukit na mukha ng lobo sa pinakaibabaw niyon. Binuksa

