Totoo nga yatang mapapaso’t matutusta siya sa apoy ni Wolfe Virelli. Iyon ang naiisip ni Tahti. Muntik pa siyang mapasinghap nang sibatin siya ng malamig na tingin ng lalaki. “I’m giving you one last chance, Tahti—run, now, while you still can.” Iminosyon nito ang pinto. “Bukas ang pinto. Puwede ka pang lumabas.” Wala sa loob na napatingin siya sa pinto. Isa sa mga tauhan ni Wolfe ang pumihit sa seradura at binuksan iyon nang maluwag. Natataranta siyang napatingin sa kanyang ‘asawa’ na tuwid at pormal lang ang anyo ng mukha. “Go. Use your legs to run—before I find another use for them,” makahulugan nitong sabi. Nalito si Tahti. Nagtaka. Ano pa ba ang puwedeng paggamitan ni Wolfe sa mga paa niya? Ipinilig niya ang ulo, at nag-focus sa dahilan kung bakit nasa harapan siya ngayon ng

