“Eat your green onions,” pormal ang tinig na sabi ni Wolfe kay Tahti nang mapansin nitong isa-isa niyang inaalis sa arroz caldo ang dahon ng sibuyas. Napaigtad pa si Tahti nang marinig ang tinig ng asawa. Sa totoo lang ay nahihirapan siyang huminga ngayong kasabay niya itong kumain sa mesa. Nakaupo ito sa kabisera at nakapuwesto siya sa upuang nasa kanan nito. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wolfe. Nakatitig ito sa kanya at sa mga sibuyas dahong tinanggal niya at ngayon ay nakatumpok sa isang gilid ng maliit na platito. Magagalit ba ito sa kanya? Ito pa naman ang um-order ng kinakain nila ngayon, dahil mainam daw na mainitan ang tiyan niya lalo na ngayong may lagnat siya. “You don’t like green onions?” tanong nito sa kanya. Kahit nag-aatubili ay nagawa niya ring umiling. “P-pero kung

