Warning: This chapter contains scenes that some may find disturbing, intense, or violent. Reader discretion is advised. _____ Nanginig ang katawan ni Kabral na naka-strap sa bakal na upuan sa loob ng aquarium ng Nocturne. Ang strap na gawa sa matibay na leather ay bumabaon na sa balat nito, pumipiga sa kalamnan nito dala ng sobrang pagkakadiin, lalo na ang sa bahaging palapulsuhan ng lalaki. Maririnig ang pagnguyngoy at pagdaing nito, pumupuno sa apat na sulok ng silid. Nang tapikin ni Lukas de Crassus—Underboss ng Kratos—ang balikat ni Kabral ay napapitlag ang huli, at halos lumuwa ang mga mata nito sa pagkahindik. Takot na takot si Kabral. Kahit nagtatapang-tapangan ito ay hindi naman nito maawat ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Naghahalo na ang sipon, luha, at malamig na pawis n

