Habang nakasalampak ng upo sa ibabaw ng kama ay napapasunod naman ang inosenteng mga titig ni Tahti kay Wolfe. Nakatayo ang lalaki patalikod sa kanya at nakaharap sa two-panel sliding glass door papuntang terasa. Kitang-kita ni Tahti ang malapad na likod ni Wolfe at ang paggalaw ng mga muscles sa bahaging iyon nang isuot nito ang itim na polo shirt. Napalunok si Tahti, nakamata pa rin sa asawa. Biglang lumingon si Wolfe, huling-huli nito kung saan nakatuon ang mga mata niya. Mabilis tuloy siyang nag-iwas ng tingin, hindi niya magawang salubungin ang seryosong kislap sa mga mata ni Wolfe Virelli. “Bakit titig na titig ka sa katawan ko?” tanong nito sa kanya. Nagsimula itong humakbang at nilapitan siya. Hindi pa nakabutones ang polo nito kaya naka-expose ang magandang hulma ng matigas na

