“Tahti! Kumusta ka na? Ilang araw ka ring hindi pumasok sa klase, ah! Gulat kami na hindi nag-alburuto sa galit si Ms. Magulpa.” Si Avvi ang unang lumapit kay Tahti pagkapasok na pagkapasok niya palang ng classroom. Umabrisyete pa ito sa braso niya. Ang iba pa niyang mga malalapit na kaibigan—sina Ishang, Charmz, Hedralyn, at Vanessa—ay pumaikot na rin sa kanya. Nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurial Management sa Universidad ng Central Protego. Alanganing ngiti lang ang iginanti ni Tahti sa mga kaibigan, at naupo na siya. “Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Bakit ilang araw kang absent?” Inokupa ni Avvi ang upuan katabi ng kinapupuwestuhan niya at inusog pa iyon pasiksik sa kanya. Senyales na wala talaga itong balak na tantan

