Chapter Seven: Break Free

1682 Words
Angelo's Point of View           “Alam mo namn siguro kung bakit kita pinatawag,” ang saad niya.           “Sa totoo lang po, wala po akong ideya kung bakit niyo po ako pinatawag,” ang pagtatapat ko naman.           “Dahil dito,” ang tugon naman ng boss naming sabay lapag ng isang folder sa coffee table. Nag-aalangan naman akong dinampot yun at binasa. Isang finanacial report. Hindi ako pamilyar sa mga account na nakalagay sa report na ‘yun. Mas lalo akong nagtaka nang makita ko ang pangalan ko sa report. “Ikaw ang may gawa niyan, hindi ba?”           “Sigurado po akong hindi ako ang gumawa nito,” ang pagtatama ko naman. “Wala po akong ginawang ganitong report.”           “Imposibleng hindi ikaw ang gumawa niyan, Angelo,” ang giit naman ni Mike. “Pangalan mo ang nakalagay diyan.”           May napansin ako kaagad sa kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag pero… malakas ang kutob kong may kinilaman siya sa nagaganap.           “Kung ako man po ang gumawa nito, ano hong problema?” ang tanong ko naman; gusto kong maliwanagan agad sa kung ano ba ang tunay na punto nito.           “Ang punto ay mali-mali ang mga nakalagay diyan sa report,” ang tugon naman ng boss ko.           “Pero hindi nga po ako ang gumawa niyan,” ang giit ko. “Wala rin po ako ng resources at files para gawin ang report na ‘yan. Ang totoo nga niya, eh. Si Mi— Sir Mike ang may access sa lahat ng mga ‘yan.”           “Sinsabi mo bang ako ang gumawa ng financial report na ‘yan?” ang pagalit na tanong naman ni Mike. Hindi naman ako umimik.           “Isa pa, kilala ko ang mga gawa ni Mike; tunay siyang maaasahan,” ang komento naman ng boss ko. “Nakakasawa na,” ang bulong ko naman sa ere. Kapwa sila natigilan nang marinig ang aking sinabi.               “Pardon me,” ang sabi ng boss ko.             “Ang sabi ko, nakakasawa na,” ang pag-uulit ko. “I’m sick and tired of this. Ilang beses nang ninakaw ang credits na para sa akin; at ilang beses na rin akong ginawang isang scapegoat sa mga kapalpakan ng iba. At higit sa lahat, napapagod na akong gawin niyong tagabili ng kape. It’s not even part of my contract.”             “How dare you,” ang galit na komento ng boss ko. “You’re fired.”           “Sir, baka naman pwede nating pag-usapan,” ang paki-usap naman ni Mike. “Ako na po ang kakausap kay Angelo.”           “No,” ang pagtanggi ko naman. “You don’t need to fire me… ‘cause I quit!” Napatingin naman ako kay Mike. “At ikaw, good luck na lang sa mga susunod.”           Kaagad naman akong lumabas ng opisina at nagtungo ng storage room upang kumuha ng karton. Nang makakuha ay nagtungo naman ako sa aking desk at malakas na pinatong ang karton sa mesa kaya naman napatingin ang lahat sa aking direksyon. Nagsimula akong magligpit ng mga gamit.           “A-Angelo, anong ginagawa mo?” ang tanong naman ni Shine nang makita ako.           “Hindi ko na kaya, Shine,” ang tugon ko naman. “Hindi ko na kayang magtiis pa sa lahat ng mga pinaggagawa nila sa akin.”           “Angelo!” ang pagtawag ng isang pamilyar na boses ngunit hindi ako huminto sa aking ginagawa bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang pag-aalsa balutan ng aking mga gamit na naipon sa aking work desk ng dalawang taon. “Huwag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo.”           “Desidido na ako,” ang malamig ko namang tugon. Kaagad din naman akong natapos sa aking ginagawa. “Excuse me.”           Nagsimula akong maglakad palabas ng opisina bitbit ang karton. Pagkalabas ko ng gusali ay napabuntong-hininga ako.           “Ano nang gagawin sa buhay ko?” ang tanong ko sa aking isipan. Wala na nga akong jowa; nawalan pa ako ng trabaho. Double whammy. Bakit ba ang malas-malas ko sa buhay? Hindi ko na napigilang lumuha dahil sa nararamdaman kong pagkasiphayo. Kaagad ko namang hinugot ang aking panyo mula sa likurang bulsa ng aking pantalon at pinunasan ang aking mga luha.           Pumara naman ako ng taxi at sumakay. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa akung anong maaring sabihin ni Mama sa nangyari ngayong umaga. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si Mama sa hardin at nagdidilig ng mga halaman. Natigilan naman siya ng makita ako.           “O, bakit ang aga mo yatang umuwi?” ang kaagad niyang tanong. Napatingin naman siya sa bitbit ko; sa tingin ko ay naintindihan niya kaagad kung bakit ako narito.  “Anong nangyari?”             “Nag-resign na po ako,” ang balita ko naman. “Hindi ko na po kasi matiis ang ginagawa sa akin ng mga katrabaho ko.”           “Pumasok ka na muna,” ang bilin naman ni Mama bago ako hinatid sa loob. Naupo ako sa sofa samantalang si Mama ay dumeretso naman sa kusina. Sa pagbalik niya ay may bitbit siyang isang basong tubig. “Uminom ka na ng tubig para mahismasan ka.”           Kinuha ko nga ang tubig mula sa kanya at inubos ito.           “Ngayon, ipaliwanag mo sa akin ang nangyari sa opisina niyo,” ang saad ni Mama.           “Hindi pa ako masaya,” ang simple ko namang tugon. “Lahat ng pinagpaguran ko, kinukuha ng iba ang pagkilala; at kapag may pumalpak naman, sa akin ang bagsak ng sisi.”           “Naiintindihan ko,” ang tugon naman ni Mama. “Mas makakabuti ngang umalis ka na lang doon kaisa naman ma-stress ka. Pero… ano nang balak mo?”            “Maghahanap po ako ng panibagong trabaho,” ang tugon ko naman. Napatango naman siya. “Magpahinga ka muna mula sa trabaho,” ang suhestyon ni Mama. “Alam ko at naiintindihan ko na… mahirap at mabigat pa rin ang pinagdadaanan mo. Magpahinga ka muna.”           Tumango naman ako at nagpaalam na pupunta na muna ako sa aking kuwarto. Inilapag ko ang karton sa aking side table at kaagad na nahiga sa aking kama. Umaga pa lang at hindi pa nangangalahati ang araw pero… pakiramdam ko na agad ang pagod sa aking pag-iisip. Hindi naman nagtagal ay naka-idlip ako.             MINULAT ko ang aking mga mata. Nagising ako sa mga pagkatok sa pinto.           “Angelo! Angelo!” ang pagtawag ni Mama.           “Sandali lang po,” ang wala sa sarili kong tugon sabay tayo. Nagtungo ako sa pintuan at pinagbuksan siya ng pinto. “Ano pong kailangan niyo?”           “Hindi ka pa nanananghalian,” ang komento niya. “Bumaba ka na muna at kumain.”           “Hindi po ako nagugutom,” ang walang gana ko namang tugon.           “Osiya, bumaba ka na lang kung nagugutom ka na,” ang bilin naman ni Mama.           “Opo,” ang tugon ko naman bago isinara ang pinto. Naupo ako sa gilid ng kama. Kinuha ko ang aking phone sa mesa. Inulan naman ako ng mga text message mula kay Kathleen at Shine. Wala talaga akong ganang gumawa ng kung anu-ano ngayon… kasama na doon ang pakikipag-usap sa kung kanino man. Ibinalik ko ang aking smartphone sa mesa at muling humiga sa kama. Tumingala ako sa kisame. Naalala ko na naman si Nick kasama ng mga ala-ala naming dalawa. Nagsimula naman akong lumuha. Ano nga bang gagawin ko sa aking buhay? Anong pwede kong gawin upang makapag-move on? Magpunta kaya ako ng bar? O club? At maglasing?           Teka… Hindi naman ako umiinom. Mababa ang tolerance ko sa alak.Nagawa niyang lumandi; bakit hindi ko rin gawin ‘yun? Kinuha ko naman ang phone ko at pumunta ng playstore. Nag-download ako ng ilang gay dating applications. Binuksan ko ang isa; yung kapangalan ng isang klay. Madalas ko itong nakikita sa mga advertisement sa f*******: at internet. Nag-register naman ako. Natigilan naman ako nang nasa parte na ako na kailangan kong mag-upload ng aking litrato.           “Ang pangit mo,” ang biglang sumagi sa aking isipan. Wala nga si Nick ngunit dala-dala ko pa rin ang kanyang boses. Bumangon naman ako at nagpunta sa tapat ng salamin. Sinuri ko ang aking itsura. Magulo ang aking buhok. Inilapit ko ang aking mukha. May pekas ako sa kaliwang pisngi.           “Ang weird,” ang komento ko sa aking sarili nang makita nga ang mga marka sa aking pisngi. May blackheads na rin ako sa aking ilong at ilang pimple sa aking noo. Napabuntong-hininga namana ako. Hindi ko maalala kung ganito na nga ang aking kutis. “Mukhang tama ka nga, Nick. Ang pangit ko.”           Napabuntong-hininga naman ako at bumalik sa kama. Ini-skip ko naman ang pag-upload ng picture at tumingin ng mga profile ng mga ibang tao sa app na ‘yun.           “Ang gu-gwapo nila,” ang komento ko. Sino namang magkakagusto sa akin? Isa pa, baka magpakita lang sila ng interes sa akin dahil gusto nila akong gamitin. Tulad nga ng sinabi ni Nick, napabayan ko na ang sarili ko. Mag-gym kaya ako?            “Hindi,” ang pagtutol ko sa aking sariling suhestyon. Hindi naman ‘yun ang kasagutan sa mga problema ko. Isa pa, hindi ako sanay at ayoko rin sa mga lugar na maraming tao. Mas makakabuti siguro kung manatili na lang muna ako rito sa bahay. Kumain lang ng kumain. Isama mo na rin ang pagtulog. Wala namang magkakainteres pa sa akin sa itsura kong ito kaya naman ano pa bang ibang magagawa ko? Hihintayin ko na lang na bumalik sa dati ang aking gana sa pagkain.           Maghahanap din siguro ako ng trabahong online. Uso naman ‘yun ngayon, eh. O kaya tumulong na lang kaya ako sa restaurant ni Mama. Ay, hindi! Ayoko ngang humarap sa maraming tao. Hindi ‘yun isang magandang ideya.           “Nakakapagod mag-isip,” ang komento ko sabay maktol na parang isang maliit na bata. “May araw ka rin, Nick!” ang malakas kong sigaw. “Hahabulin ka rin ng karma!”           Natigilan naman ako nang sunod-sunod na pagkatok ang aking narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD