21

1718 Words

ISINUGOD ULI sa ospital si Victor. Sa pagkakataon na iyon ay si Cai na ang naging nurse nito. Nag-overdose ang lalaki sa sleeping pills pero maigi na lang at kaagad uling nakita ng kasambahay. Kinailangang i-pump ang sikmura nito at mukhang wala namang permanenteng damage pero kailangan pa ring i-admit para ma-obserbahan pa ng ilang araw. Para na rin sa suicide watch. Napuno na naman ang puso ni Cai ng awa para sa lalaki. Hindi talaga niya maipaliwanag ang attachment na nabuo niya kay Victor. Noon lang iyon nangyari sa kanya. Sa palagay niya ay hindi na niya makakalimutan si Victor sa mga naging pasyente niya. Ganoon siguro talaga sa buhay ng isang nurse o doktor. Mayroon at mayroong mga pasyente na mag-iiwan talaga ng malalim na tatak. “I remember you,” ang sabi sa kanya ni Victor nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD