22

1540 Words

“PAHIRAM NGA NG phone mo, babe. Low bat na iyong akin at gusto ko sanang tawagan si Lola. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya na pupunta ako rito bago umuwi,” hiling ni Cai kay Wilder. Kasalukuyan silang nasa restaurant nito. Doon siya dumeretso pagkatapos ng duty niya nang araw na iyon. Ilang araw na rin kasi silang hindi nagkikita. Wala si Ginger sa paligid, sa kanyang pasasalamat. Alam naman na niya ang bagay na iyon dahil naging stalker na siya sa f*******: page nito. Alam niya na nasa ibang bansa ang babae para sa isang fashion show. Mabilis na inabot ni Wilder sa kanya ang telepono nito. “May mga gusto ka pa ba? Maiwan na muna kita rito. I-check ko lang ang kitchen. Parang medyo matagal ang paglalabas nila ng pagkain.” “I’m okay. Go ahead.” Marami-rami ngang customer nang gabing iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD