23

2246 Words

NASAGOT NI CAI ang mga tanong na iyon sa sarili makalipas ang dalawang araw. Isang oras na lang ay tapos na ang shift niya sa araw na iyon. Tinatawagan siya ni Wilder pero hindi niya sinagot. Hindi siya nagpaliwanag kung bakit hindi siya natuloy sa pagbisita sa restaurant nito noong isang araw. Hindi rin siya nagpapadala ng mga message. Nagagawa niyang umiwas kapag nagpupunta ang binata sa bahay dahil nagdo-double shift siya nitong mga nakaraang araw. Hindi kasi pumapasok ang isang volunteer nurse at siya ang umaako sa ilang trabaho. Tahimik naman sa emergency room at walang pasyente. Nanalangin siya na sana ay magpatuloy ang ganoon hanggang sa makauwi siya. Hindi niya gustong ma-toxic. Pagkausal na pagkausal niya ng panalangin na iyon ay narinig niya ang pagtunog ng telepono. Sinagot iyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD