24

1563 Words

NANG MGA SUMUNOD na araw ay hindi makapag-focus si Cai. Hindi rin siya halos matigil sa pag-iyak. Hindi siya makakain at hindi makatulog. Nahihirapan siyang bumangon sa higaan. Kapag napagtatagumpayan niyang makapasok sa trabaho ay hindi rin naman siya makapag-concentrate. Dati ay hindi siya nagkakamali kaya naman hindi siya napapagalitan, pero nitong mga nakaraang araw ay maya’t-maya ang pagkakamali niya. Maya’t-maya siyang napapagalitan ng head nurse at maging mga doktor. Pati mga pasyente niya ay naiinis na sa kanya. “Ano ba ang nangyayari sa `yo, Cai? Kung kailan naman malapit ka nang maging staff saka ka nagkakaganyan. May problema ka ba? Baka matulungan kita kahit na paano.” Dahil totoong mabait ang head nurse sa kanya, inamin ni Cai sa munting tinig ang dahilan ng pagkakaganoon ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD