HALOS HINDI NAMALAYAN ni Cai ang paglipas ng dalawang buwan. Inabala niya nang husto ang sarili sa pag-aayos ng bahay. Siniguro niya na maayos ang lahat ng detalye. Imbes na hayaan ang sarili na umiyak hanggang sa madaling araw ay halos magdamag na lang siyang nagre-research ng mga ideya para sa interior design ng bahay. Hindi naman sa hindi rin siya umiiyak hanggang sa madaling-araw paminsan-minsan. Siya mismo ang naghanap ng mga gamit na gusto niya. Nakailang beses din siyang lumuwas ng Maynila dahil sa paghahanap na iyon. Hindi na nga lang siya nakibalita sa mga kaibigang naroon. Ayaw niyang marinig ang anumang tungkol kina Wilder at Ginger. Nagpasadya rin siya ng ilang cabinet at maging doon ay tutok siya. Sa palagay niya ay medyo nainis na nga niya ang gumagawa. Nagpipintura rin siy

