28

1033 Words

HALOS isang buwan din silang naglibot sa lalawigan ng Ilocos. Hindi nila minadali ang bawat stay nila sa lugar. Nakatulong na wala silang problema sa budget. Sinagot ni Kali ang lahat ng gastos nila. Madalas naman na silang tatlo lang ng kanyang ina ang magkakasama. Kung hindi gaanong mapapagod sa biyahe, minsan ay sumasama si Lola Carmela sa mga galaan. Pinuntahan nila ang lahat ng mga popular na pasyalan. Mas nagtatagal sila sa mga lugar na may magagandang beach. Halos ayaw na ngang umalis ni Kali sa Pagudpud. Hindi rin sinundan ni Kali ang inihanda niyang itinerary. Kung ano ang maisipin nito ay doon sila. Kapag may nabasa itong interesanteng lugar sa internet ay pinupuntahan nila kahit na wala sa kanyang listahan. Mas masaya raw ang ganoon. Iyong mga lakad na hindi gaanong pinaplano.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD