Chapter 31 Belle's Point of View "Tapos anong nangyari sa date niyo?" Tanong ni Finn sa akin. "Ano? Together again na ba ulit kayo?" Dagdag naman ni June. "Nag-kiss ba kayo?" Si Finn ulit. "Nag-hug?" Si June ulit. "Nag-s*x?" At magkapanabay na tanong ng dalawa. Sumimangot ako sa kanila at tinigil ang ginagawa kong pag-aayos ng aking mga gamit. Andito na ako sa New York at kahapon pa ako nakauwi. Hindi lang ako nakapag-ayos agad ng mga gamit ko dahil nakipag-laro agad ako kay Amelia at naka-tulog din agad dala na rin ng pagod. Kaya itong si Finn at June, ngayon sila nangungulit sa akin tungkol sa nangyari sa akin sa Pilipinas, especially sa amin ni Uno. Aba'y nakarating lang naman kasi sa balita ang ginawang pagsigaw-sigaw ni Uno sa airport no'ng araw na umalis ako. Trending

