Chapter 30 Belle's Point of View "Eto na! Eto na! Pababa na!" Naiinis na saad ko kay Uno sa cellphone habang kinakabit ko ang aking hikaw. "Pababa daw eh nagkakabit ka pa nga ng hikaw." Anito sa akin. Tumingin naman ako sa bintana kung saan natatanaw niya ako at sinimangutan siya. "I'm done, you jerk!" At inismidan ko ito. Tinalikuran ko na ito at isinara na ang aking mga bintana. Pagkatapos ay kinuha ko na din ang purse ko at pinasadahan ko ng huling tingin ang sarili ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. "Eto totoong pababa na ako so can I hang up the call too?" Mataray na pahayag ko kay Uno. I heard him chuckle on the other line. "Okay! See you, pretty." Anito bago ibaba ang tawag. Napailing na lang ako habang inilalagay ko ang phone ko sa aking bag. Diyos ko 't

