Chapter 29 Uno's Point of View "Can we talk?" Siryoso kong tanong kay Belle. Tila natigilan naman ito sa naging tanong ko. Gumuhit ang pagta-taka at ang pag-aalangan sa kaniyang magandang mukha. Wala naman akong ibang gagawin sa kaniya kaya huwag siyang mag-alala. Gusto ko lang talaga siya maka-usap. Gusto ko lang ma-kumpirma kung may pag-asa pa ba o talagang wala na. "Uh, sure." Sagot ni Belle. Naka-hinga naman ako ng maluwag. Inaya ko si Belle maupo sa isa sa mga nakakalat na bench dito sa venue. Tanaw pa din namin ang kasiyahan na nangyayari sa reception dahil hindi naman kalayuan ang inupuan namin. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Belle habang naka-upo kami at naka-tanaw sa malayo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kinakabahan ako at nab-blangko ang aking isi

